Advertisers
Rumesbak si Atty. Alex Lopez, Official Manila Mayoralty Candidate ng Partido Federal ng Pilipinas, bilang tugon sa banat ni Vice Mayor Honey Lacuna na walang basehan at katotohanan ang ibinulgar nito na nagkaroon ng utang na P25-bilyon ang City of Manila para sa pagpapatayo ng mga imprastuktura sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Lacuna, umabot lamang ang kanilang inutang ng P15-bilyon sa banking institution para matugunan ang mga programang ipinangako sa mga Manilenyo.
Iginiit ni Lopez, isang kilalang abogado at kontraktor na “sablay” ang lumabas na press release ng City of Manila noong October 2019 kung saan ito ang ginawa nitong basehan para ibulgar ang kabalastugan ng mga nakaupo sa city hall.
Para rin sa kaalaman ng mga Manilenyo, ilang libong beses na rin itinama ni Atty. Lopez ang pagkuwenta dahil binanggit nitong P15-bilyon ang inutang sa banking institution taliwas sa naunang P25-bilyon ang naging utang.
Sinabi ni Lopez na sa buong kasaysayan ng Maynila, ngayon lang nagkautang ang siyudad ng bilyong piso para umano sa maling prayoridad at mga sablay na programa ni Mayor Isko Moreno.
Mariin din kinondena ni Atty. Lopez ang naging hakbang ni Moreno na umutang ng bilyong halaga para lamang sa rehabilitasyon ng Manila Zoo, pagpapatayo ng Tondominium sa Binondo at paggiba ng tatlong eskwelahan sa panahon ng delubyo sa Covid-19.
Tinawag ni Atty. Lopez na “unprecedented debt” ang hakbang dahil ngayon lang nagkautang ng ganito kalaking halaga sa kasaysayan ng Maynila sa panahon lamang ng liderato ni Mayor Moreno.
Kinumpara rin ng tumatakbong alkalde na magkaiba ang panuntunan sa Davao City na kailangan pang dumaan sa public hearing bago makautang ang liderato ni Mayor Sara Duterte samantalang sa Maynila hindi man lang sila dumaan sa butas ng karayom.
Para sa kaalaman pa rin, may mga proyekto si Mayor Isko na hindi napapanahon kabilang na rito ang pagre-re-model sa tatlong eskwelahan na hindi “condemned” subali;t kinailangan umutang sa halip na pagtuunan ang lumalalang sitwasyon ng Covid-19.
“Sablay ang pinagagawa ng city government dahil umutang ng bilyon halaga gayung hindi naman dumaan sa legal na public hearing,” pagwawakas ni Atty. Lopez.