Advertisers
Maraming nabigla sa mungkahi natin noong Sabado. Ginawa natin ito upang isalba ang season ng Lakers. Hindi rin tayo unang nag-suggest nito.
Kung nais nina Rob Pelinka na habulin ang trade deadline ay dapat ipatupad na ang bold na desisyon.
Alangan naman si LeBron ipagpalit nila. Si Anthony Davis lang pwede isama sa package kay Russell Westbrook para kagatin ng ibang prangkisa.
Tutal nagkampeon na sila sa panahon ni AD. Isa pa ay madalas din may injury si LeBrow.
Papayag lang ang mga koponan na aalukin kung may asset gaya ng 6-10 na center-forward.
Saka ang kahalili ay isang pares din ng big man at point guard.
Ang Minnesota lang nababasa natin na maaari. Karl Anthony Towns at D’Angelo Russell nga. Tapos madagdag pa ng isang defense specialist upang mag-abot ang mga sahod. Magagamit din ikatlong player sa summer upang mapapirma ang mga batang sina Malik Monk at Austin Reeves ng mahabang kontrata. Aber sino pa ba ang pwede?
Sasang-ayon ba ang Denver para ipamigay sina Nilola Jokic at Jamal Murray? Hindi marahil.
***
Yung lahat ng karanasan sa buhay ni Rolando Bohol ang nagpatatag sa kanya. Hanggang ngayon daw nagagamit niya mga aral mula nang maliit siya. Matagal siyang palaki ng kanyang lola at haiskul na nang mabalik sa kanyang ina.
Kakaiba sa mga boksingero natin si Roland. Bagama’t matagal na siyang retirado ay maayos ang kabuhayan niya.
May isang online shop siya na base sa Las Vegas.
Pero bago diyan ay ang dami niyang naging trabaho sa Hawaii. Naging bellboy, clerk at iba pang posisyon.
Nagkaroon din siya ng sakit sa puso at naoperahan.
Maigi na siya ngayon at laging handang tumulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga dating boxer at mga kababayan sa Negros.
***
Yung tumatakbong konsehal na Bai Elorde sa District 2 sa Paranaque ay anak ni Johnny Elorde at apo ni Flash Elorde.
Juan Martin buo niyang pangalan at dati ring boksingero. Kapatid niya ang pro cager na si Nico Elorde.
Eka ni Tata Selo ay hindi niya matandaan kung pumalaot si Da Flash sa pulitika. Oo, nag-artista siya nguni’t hindi raw nakumbinse maging pulitiko.