Advertisers

Advertisers

3 Bebot huli sa P1.1M shabu

0 257

Advertisers

Bagsak sa kulungan ang tatlong dalaga na sangkot sa illegal na droga nang makuhanan ng mahigit P1.1 milyon halaga ng shabu nang masakote sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, Martes ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang mga naarestong na sina Kyla Marie Legaspi, 22, (Pusher/Not Listed); Kristal Shaine Legaspi, 19, (Pusher/Not Listed); at Marizza Adalla alyas “Mutya”, 29, (User/Not Listed), pawang residente ng lungsod.

Ayon kay Col. Ollaging, 3:50 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Eforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa Leaño St., Brgy., Bangkulasi.



Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 162 grams ng shabu na may corresponding standard drug price (SDP) P1,101,600.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at limang P1,000 boodle momey, P1,500 cash, body bag, 2 coin purse, weighing scale, cellphone at maliit na note book.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">