Advertisers
LATEST controversy kay starcager TERRENCE ROMEO ang scam issue sa ex-‘wife’ niyang si BEATRICE PIA ESPINA WHITE na naaresto sa isang entrapment operation ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), kasalukuyang detained sa Camp Crame kasama ang accomplice na si EFCEL REYES sa multiple complaints of estafa, use of fictitious name at carnapping mula sa rent-tangay na inihain ng mga biktima sa mga nirentahang sasakyang hindi na isinoli.
Syndicated estafa at scam ang pangunahing kaso ni WHITEna ayon sa report ay 2016 pa nito gawain. Ayon pa sa ulat, hiningian ng dalawang suspek ang isang may-ari ng kotse ng Php80,000.00 upang maibalik ang mga ninakaw na sasakyan. Hindi rin umano ito first time na nadawit sa kasong estafa si WHITE. Modus nila na magrenta ng ilang magagarang sasakyan sa presyong Php30K to Php50K na maayos naman sa umpisa hanggang sa makuha ang tiwala ng nagpaparenta at hindi na isosoli ang mga sasakyan.
May mga lumalabas pang biktima from entertainment world na nag-invest ng capital up to Php 80K kay WHITE fronting a big farm sa Quezon. Kabilang si Talent manager-vlogger OGIE DIAZ na isinapublikong isa siya sa victims. Sa ilan pang ulat, umikot si WHITE sa mundo ng celebrities at dahil maganda, sosyal at mapera ay madaling makaenganyo. Maraming nilalapitan tulad sa ‘OBRA NI NANAY GALLERY’ ni Showbiz Host Nay CRISTY FERMIN, pero mukhang ipinagtanggol siya ng fellow columnist, sobrang inlab daw kay TR at ayaw isuko (kaya gustong regaluhan ng bongga?). Kung 2016 pa ito raket, 2017 siya nadikit sa cager, pati si ROMEO biktima, pwede. Kumpirmado, matagal nang hiwalay si PIA kay TERRENCE.
Ayon sa malalapit sa player, sobrang lumampas sa lifestyle si WHITE kaya nagkabaun-baon din sa utang. Ilang fans pa ang nagsabi sa socmed na pati pamilya ni ROMEO ay ini-scam nito kaya umabot sa hiwalayan.
May info na noong 2017, nag-imbita ng 3 intimate friends ni TR para sa isang evening cocktail pero walang detalye kung may kasalang naganap. Si WHITE, Cebuana, 37 ay 8 years older than ROMEO. Well, just coming to think of it, BEATRICE PIA WHITE y ESPINA rin ang pangalan nito sa publicized detainee’s records, walang ROMEO.
May mga sumusuporta na nagpost/comment sa social media ng“100- percent clean ang record ni TERRENCE ROMEO na hindi siya ikinasal sa kahit na sino at ginamit lang ng babae na yan ang pangalan ni TR para makapanloko.” Mula sa isang close friend, “Hindi sila mag-asawa ni PIA, ex-girlfriend lang siya but pinapalabas ni girl na mag-asawa sila PARA MAGAMIT ANG PANGALAN NI Terrence PARA MAS MADAMING MALOKO. Mismong si TERRENCE naloko din sa pera ng babaeng yan, sobrang tagal na silang hiwalay simula nang malaman ni TERRENCE ang mga panloloko na ginagawa niya.” As of 2022, under evaluation lang ang networth ni PIA pero si TERRENCE ay may $1 – 5 M networth. Ang 2013 draftee ay naging Rookie of the Year awardee ng professional league na PHILIPPINEBASKETBALL ASSOCIATION (PBA), with half a million salary cap asestimated.
With the info that TERRENCE took PIA just to move on fromcontroversy with highly popular TV Host-comedian VICE GANDA on previously rumored relationship during their FEU TAMARAW athletes days, this new controversy seems much higher but hopefully the starcager will easily surpass. HAPPY READING!