Advertisers

Advertisers

Battle of provinces – Bohol vs Albay!

0 108

Advertisers

Noong ika-28 ng Disyembre 1991 ay nagkasagupa sina Rolando Bohol at Jonathan Albay sa Elorde Sports Center sa Paranaque, Metro Manila. Tinaguriang Bakbakan ng mg Probinsya dahil nga isang Bohol at isang Albay ang naglaban.

Si Rolando noon ay may record na 27-8-3-5 at si Jonathan naman ay may 14-7-3-6.

Nagwagi si Bohol sa pamamagitan ng majority decision.



Sa panayam natin sa dating world chamo ay nabanggit niya na malaking bahagi ang patnubay ni Laura Elorde sa kanyang buhay.

“Parang pangalawang ina ko ang misis ni Flash Elorde kasi araw-araw ay sinasama niya ako sa pagsisimba sa Sta Rita Orphange Chapel at siyempre maraming aral ang natutunan ko sa kanya,” wika sa atin ni Roland.

***

Hanggang ngayon hindi comfortable si Ka Berong sa mga atleta na nag-eendorso o nagbibida sa mga ad ng mga alak.

Ayon kay Kaka ay una masama sa mga manlalaro ang epekto ng inumin. Pangalawa karamihan sa kanila hindi naman talaga umiinom. Nais lang gamitin ng produkto ang kanilang katanyagan.

Huling binarayan ng isang ginebra ay si Hidylyn Diaz. Panglalansi lamang sa mga tao ang tvc. Pinalalabas na kunwari ay nagtetetake ang gold medalist ng markang nagbigay ng malaking halaga.



Dati yung mga mismong player ng gin at serbesa ang kabiang sa tv commercial. Not in good taste talaga.

Masama pang halimbawa sa ibang manlalaro at ating mga kabataan.

***

Sa paborito nating game may tinatawag na come-from-behind win. Sa halalan ay nangyayari rin yan. Yung mataas sa survey lumalagapak at ang mababa ang umaakyat.

Yan malaking posibilidad ang maganap sa Mayo kasi lahat ng leading sa polls sa umpisa ay nawala. Natatandaan siguro ninyo si Villar noong 2010 pati sina Binay at Poe noong 2016?

Ngayong 2022 isa nanam biyuda ang magwawagi sa huli.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More