Advertisers
PATULOY ang pagpapalakas ng Choco Mucho ng kanilang lineup matapos kuhanin ang serbisyo ni outside hitters Isa Molde at Desiree Cheng.
Ang 23 year-old Molde, ang unang player sa Premier Volleyball League (PVL) na nagwagi ng Most Valuable Player (MVP) Finals MVP, at Best Outside Hitter awards sa isang tournament. Ito ay noong 2018 PVL College Conference kung saan pinamunuan rin ni Molde ang University of the Philippines (UP) Lady Maroons sa championship.
Huling naglaro si Molde sa PLDT nong 2021 PVL Open Conference.
Si Cheng, na huling naglaro sa F2 Logistics Cargo Movers, ay three-time champion sa De La Salle University (DLSU) Lady Spikers, at nasungkit ang Finals MVP at Best Servers awards sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) season79 at 80, ayon sa pagkakasunod.
Ang 25-year-old hitter ay nagwagi rin ng championship sa F2 sa Philippine Superliga Grand Prix.
Makakasama nina Molde at Cheng si Aduke Ogunsanya at Thang Ponce bilang bagong players para sa Flying Titans na nagtapos fourth nakaraang conference.
Samantala, si Reyes ay huling naglaro sa Sta Lucia Lady Realtors,na nagtapos fifth place sa Open Conference nakaraang taon.
Ang dating De La Salle Lady Spikers ay maraming individual awards sa club scene gaya ng 2017 PSL Grand Prix at 2018 PSL Invitational Best Middle Blocker awards.
Makakasama ni Reyes sina Dell Palomata at Jovy Prado bilang bagong miyembro ng High Speed Hitters, na nagtapos seventh sa Open Conference nakaraang taon.