Advertisers
Ni BETH GELENA
ASIDE sa pagko-concentrate ng pagsusulat ng mga kanta ay pinasok na rin Bernadette Sembrano ang pagba-vlog.
Pinuntahan pa niya si Alex Gonzaga sa taping nito ng Lunch Out Loud para lang magpaturo sa TV host-actress-vlogger.
Sa bagong uploaded video ng broadcaster at newscaster ay ibinahagi niya ang pagkikita nila ng dating mga kasamahan sa ABS-CBN.
Halos lahat kasi.ng kasama ni Alex sa LOL ay pawang galing sa Kapamilya Network.
Personal mismong pinuntahan ni Bernadette ang nakababatang kapatid ni Toni dahil alam niyang hasang-hasa na ito pagdating sa vlogging.
Nang makita ni Bernadette ang mga dating kasamahan sa taping ng LOL na napapanood sa TV5 hindi niya napigilan na maging emosyonal.
Agad na tumulo ang kanyang mga luha nang makita ang mga dating kasamahan niya sa ABS-CBN.
Nagbalik umano sa kanya ang hirap ng kanilang pinagdaanan.
Hindi niya inaasahang makikita ang marami sa mga kasamahan at kabatian niya dati sa ABS-CBN.
Hindi raw niya napigilang maiyak dahil bumalik sa kanyang alaala ang hirap na pinagdaanan nang tuluyan nang mawalan ng prangkisa ang Kapamilya network. Kabilang sa kanyang nakita doon ay sina Billy Crawford, Wacky Kiray, Bayani Agbayani at ilan pang mga nakatrabaho niya sa likod ng camera.
Kwento rin nga ni Alex, maging siya ay nagulat nang una siyang pumasok sa TV5 dahil halos 90 percent umano ng nandoon ay mula sa ABS-CBN.
Kwento naman ni Bernadette, parang ghost town na raw sa ABS-CBN dahil wala na ang dati ay maraming employees na naglalakaran sa hallway.
***
VICE AMINADONG MALAKI MAGBIGAY NG PREMYO ANG ‘EB’
ONCE na nagsalita si Vice Ganda ay dire-diretso na at walang kapreno-preno.
Imagine, sabihin ba niyang kung contestant lang daw siya ay sa Eat Bulaga siya sasali at hindi sa It’s Showtime.
Knows naman ng lahat na biro lang yun ni Vice. Isa pa, siya ang main host ng IS.
Ang nasabing biro ay tahasang sinabi mismo ni Vice sa sarili nilang programa.
Nagsimulang humirit ng biro si Vice nang sabihin ni Ogie Alcasid na madalas manalo si Vice sa mga TV singing contest.
Tulad daw sa The Singing Bee at sumali na rin daw pala dati sa katapat na programa ang Unkabogable Phenomenon Star, ang EB.
Doon na kinumpisal ni Vice na malaki ang nakuha niyang premyo nang manalo.
“O, di ba? Magkano rin iyon, five thousand sa Eat Bulaga!” sey ni Vice.
“Mas mataas talaga magbigay ng premyo ang Eat Bulaga! kaysa Showtime, eh!” sambit pa nito.
Naaliw naman ang mga co-host sa pagbubunyag ni Vice.
Biro pa ni Vice, masaya lang daw sa Showtime pero mas marami raw pera sa Eat Bulaga.
“Kahit ako contestant, doon ako sasali, e. Hindi dito. Masaya dito pero maraming pera sa kabila!” banat pa ng komedyante.
***
JANELLA AT MARKUS BUSY SA TRABAHO PARA SA ANAK
BUSY ang live-in partners na sina Janella Salvador at Markus Paterson.
Si Janella bilang Valentina sa Pinay heroine series na Darna.
Sa kanya napunta ang role na maraming aktres ang naghahangad.
Ang dyowa namang Pinoy-British na si Markus ay mahaba ang papel sa Viral Scandal as a rapist.
Pasok sa banga ang akting ni Markus bilang si Jiggs Ramones.
Kung dati ay ang lamya ni Markus sa akting, ngayon may angst na siyang umarte.
Yun nga lang hindi pa rin perpekto at kinakailangan pa rin niyang mag-adjust sa larangan ng pag-arte.
Ang laki rin ng pinagbago ng katawan ni Markus.
Kung noon ay skinny body siya ngayon ay mamang-mama na ang pangangatawan nang magkaroon na sila ng anak ni Janella na si Jude.
Last October ay nag-one-year-old na ang kanilang anak.
Sambit nga ng celebrity couple, ang lahat ng kanilang ginagawa ay para sa kanilang anak.
Samantala, panay ang pa-thank you ni Janella sa.celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo.
Inamin ni Janella na dumaan siya sa liposuction after niyang manganak.
Nakatulong daw sa kanya ang lipo kaya napunta sa kanya ang Valentina.
“Janella Salvador came to Belo six months after giving birth to Jude for help to get her body ready for work. We did 360-degree liposuction on her arms, wings, back, and abdomen,” pagbabahagi ng celebrity doctor.
“Three months after the lipo, we used the Skin Genius to tighten and shrink the loose skin on her back and arms,” sambit pa niya.