Advertisers
Arestado ang 21 katao habang nagsasabong sa magkakahiwala na tupadahan sa Norzagaray, Calumpit at Bocaue.
Habang 14 na iba pa ang dinakip rin sa sugal na tong-its, sa bayan ng Plaridel.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang mga panabong na manok at mga baraha na gamit sa pagsusugal at pera.
Habang dinakip ang isang alyas Geomark Roxas residente ng Bigte Norzagaray nang mahuli sa aktong hila-hila ang 3 kambing na ninakaw nito.
Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa mga nabangit na police station.(Thony D. Arcenal)