Advertisers
SUMANDAL si Mark Magsayo sa kanyang malalakas na body shots at uppercuts para matasik si Gary Russel Jr. at naging bagong World Boxing Council (WBC) featherweight champion sa kanilang main event world title clash sa Borgata Hotel Casino & Spa, Atlantic,City sa New jersey Sabado, Jan.22 (Linggo sa Manila).
Si Magsayo ay nanateling undefeated sa 24 matches na may 16 knockouts at iuwi ang 114-114,115-113,115-113, majority decision win para tapusin ang pitong-taon na pamamayagpag ni Russel bilang featherweight title holder.
“This is my dream. My dream did come true,” Wika ni Magsayo, na may halong emotions habang nagsasalita sa veteran sportscaster Jim Gray post-match.
“This is my dream since I was a kid since I’m an amateur. And now I’m a professional and I’m a world champion. This is my dream,” Dagdag ng 26-year-old Tagbilaran, Bohol native boxer habang pinasasasalamatan ang MP Promotions chief Sean Gibbons, match promoters Premier Boxing Champions at Showtime Boxing, at PBC owner and founder Al Haymon.
Inamin ng 33-year-old Russel, na meron syang torn tendon sa kanyang kanang balikat na nagpabagal sa kanyang kilos pati kanyang signature jabs laban kay Magsayo.
Nalasap ni Russel ang kanyang pangalawang pagdurusa na may 31 wins at 18 knockouts.