Advertisers
Patay ang hard core member ng Concepcion Robbery Group nang makaengkwentro ang mfa otoridad sa isinagawang operasyon sa Libon, Albay.
Kinilala ang nasawi na si Rolly Saysay y Concepcion, pinsan ni Gilbert Concepcion lider ng grupo at hard core member ng Concepcion Robbery Group.
Ayon kay BGen Jonnel Estomo, Regional Dir PRO5, 4:00 ng madaling ng makaengkwentro ng mga Regional Mobile Force Battalion 5 ang ‘di batid na bilang ng mga suspek sa Brgy. Tambo, Libon, Albay.
Ang Concepcion Criminal Group, binuo ni Gilbert Concepcion nang mag-AWOL noong 2010 na sangkot sa robbery, extortion at gun for hire. Nagsilbi rin hit man ng mga pulitiko na nag-o-operate sa Bicol Reguo , Calabarzon at Metro Manila.
Narekiber ng mga oyoridad sa pinagyarihan ng engkwentro ang 1 cal 45 pistol, mga basyo ng iba’t ibang uri ng baril, at mga magazine.
Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naganap na engkwentro.(Mark Obleada)