Advertisers

Advertisers

Van sumirko sa kalsada: 1 todas, 17 sugatan

0 199

Advertisers

Nasawi ang isang lola ang nasawi habang sugatan ang 17 pang iba nang maaksidente ang sinasakyan nilang pampasaherong van sa Ibajay, Aklan, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang namatay na si Imelda Lirazan, 63, at nakatira sa Candoni, Negros Occidental.

Ayon sa ulat, nag-overtake ang van sa isang tricycle at sumalpok sa isang nakaparadang pickup truck.



Sa kuha ng CCTV, makikita na ilang beses nagpagulong gulong sa gitna ng kalsada ang van.

“Iniwasan niya ‘po ‘yung nakaparadang pickup truck, tapos ‘pag biglang kabig niya po pakaliwa, biglang tumama po ‘yung pwetan ng van doon sa nakaparadang pickup truck, tapos ‘yun na po ‘yung naging sanhi ng kanya pong hindi nakontrol at nagpaikot ikot po ng ilang beses,” pahayag ni Police Corporal Daniel Morris Galano.

Kaagad naman na rumesponde sa lugar ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Ibajay, Bureau of Fire Protection Ibajay, at Ibajay Police at mabilis na dinala sa ospital ang mga biktima. At idineklarang dead on arrival si Lirazan nang magtamo ng malubhang sugat sa katawan.

Samantala, ang 17 sugatan nilapatan ng kaukulang lunas.

Sa imbestigasyon ng Ibajay Police, galing sa RoRo sa Caticlan ang van at pauwi na sana sa Negros Occidental nang mangyari ang insidente.

Nasa kustodiya na ng Ibajay Police ang driver ng van at hinihintay pa ng mga ito ang magiging desisyon ng mga pamilya ng biktima kung magsasampa ang mga ito ng kaso laban sa driver.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">