Advertisers

Advertisers

Bebot kinatay na parang baboy lumutang sa beach

0 102

Advertisers

Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang babae na natagpuang palutang-lutang malapit sa isang beach sa Sta. Cruz, Davao del Sur nitong nakaraang Sabado.

Sa ulat, inilarawan ang natagpuang bangkay ng hindi pa kilalang babae na parang baboy na nakagapos ng nylon rope at black twine mula leeg hanggang paa at may nakataling water container na nilagyan pa ng semento na nagsilbing pabigat at angkla.

Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard na lumulutang sa baybaying sakop ng Barangay Zone III sa Sta. Cruz, Davao del Sur.



Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng pulisya na ang babae at posibleng mula sa katabing munisipalidad. Maaari umanong itinapon ito sa ibang lugar at natangay lamang ng malakas ng alon ang bangkay nito patungo sa baybayin ng Sta. Cruz.

Ang mga kamay at paa ng babae nababalutan pa ng masking tape.

Ayon pa sa pulisya, wakwak o laslas ang tiyan ng babae at posibleng dinaganan o hinampas ng matigas na bagay ang mukha nito.

Tinatayang nasa pagitan ng edad na 25 hanggang 35 anyos ang babae na may taas na 5’2”, maputi, may tattoo sa kilay, may upper denture, mahaba at blonde ang kulay ng buhok, nakasuot ng itim na palda at kulay berdeng long sleeves na pang-itaas.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa naturang babae at ang posibleng motibo ng pagpatay.

Sa ngayon, nananawagan ang pulisya sa publiko para sa anumang impormasyon na makakatulong upang makilala ang biktima at mapanagot ang mga pumatay dito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More