Advertisers

Advertisers

Titser huli sa gun ban

0 166

Advertisers

CAGAYAN VALLEY – Kalaboso ang isang guro nang mahulihan ng baril sa checkpoint sa Barangay Alabiao, Tuao, Cagayan.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republi Act 10591 o An Act providing for Comprehensive Law on Firearms and Ammonutions at paglabag sa Omnibus Election Code may kaugnayan sa gun ban laban kay Lorenzo Pagulayan, 25 anyos at residente rin sa nasabing lugar.

Nakita ang baril na 22 revolver, pitong bala at holster sa loob ng sasakyan ni Pagulayan nang ipabukas ang bintana ng kanyang sasakyan bilang bahagi ng protocol sa mga COMELEC checkpoint.



Dipensa ng suspek na hindi umano niya alam na may baril sa sasakyan dahil hindi umano niya ito pagmamay-ari.

Ayon sa suspek, sinabihan umano siya ng isang kaibigan na kinilala lamang na si alyas Ray na imaneho ang sasakyan at magkikita sila sa Tuao habang nasa lungsod ito ng Tuguegarao.

Sa ngayon, nakipag-ugnayan na rin ang otoridad sa Land Transportation Office upang malaman ang tunay na pagkakakilanlan ng may-ari ng sasakyan na hindi nakarehistro sa guro.

Samantala, posibleng masampahan ng kaukulang kaso ang may-ari ng sasakyan dahil sa wala itong plate number. (Rey Velasco)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More