Advertisers

Advertisers

Takbong Bise Alkalde sumuko sa kasong murder

0 118

Advertisers

Boluntaryong sumuko sa isang monasteryo sa Misamis Oriental ang umano’y mastermind sa pagpatay sa isang hospital chief noong nakaraang buwan.

Kinilala ang akusado na si Richard Gepte, 51, residente ng Balingoan, Misamis Oriental.

Sinundo si Gepte ng joint units ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) at Police Regional Office (PRO-10) sa compound ng Carmelite Monastery sa Barangay Camaman-an noong Linggo.



Sinabi ni Maj. Evan Viñas, the COCPO spokesperson na si Gepte na kumakandidatong vice-mayor sa Balingoan, itinuturong utak sa pag-ambush at pagpatay kay Dr. Raul Winston Andutan, hepe ng Maria Reyna-Xavier University Hospital. Si Gepte umano ang nagbayad ng assassins para itumba ang naturang doktor noong Disyembre 2, 2021.

Inaresto si Gepte sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Regional Trial Court Branch 21 Judge Gil Bollozos sa kasong murder na walang kaukulang piyansa.

Noong nakaraang taon, isang araw matapos itumba si Andutan, nadakip ng Misamis Oriental provincial police sa isang hot-pursuit operation ang umano’y hitmen na sina Marjun Abayon Cabug, 39, ng San Antonio, Don Carlos, Bukidnon; Joel Arcilla Nacua, ng Lilingayon, Valencia City, Bukidnon, at Jomar Pacilan Adlao, 30, ng Dulugan, Maramag, Bukidnon. Pinaghahanap pa ang kontak ng tatlo na kinilalang si Rene Turtosa.

Sa kasalukuyan, pinaghahanap pa ng mga otoridad ang umano’y nagsilbing ‘middle man’ ng opisyal ang dating CAFGU member na si Reynaldo Tortusa na bahagi pag-ambush kay Andutan.

Sa ngayon, hindi pa nagbigay ng anumang pahayag ang PNP ukol sa kung ano ang motibo sa grupo ni Gepte kung bakit ipinapapatay ang biktima na kilalang urologist na nakabase nitong lungsod.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More