Advertisers

Advertisers

Bilang ng mga guro na nabiktima ng unauthorized withdrawal dumarami pa

0 70

Advertisers

DUMARAMI pa ang bilang ng mga guro at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) ang nabiktima ng illegal pag-withdraw ng kanilang payroll accounts sa Land Bank of the Philippines.

Sinabi ni Teacher’s Dignity Coaltion chairman Benjo Basas, na mula sa dating 11 ay naging 20 na ito.

Nasa P160,000 hanggang P200,000 na mga pera ang nawala.



Inaasahan nila na madadagdagan pa ang bilang ng mga gurong lulutang at magrereklamo sa mga susunod na araw.

Inatasan na rin ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang nasabing insidente. (Josephine Patricio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More