Advertisers

Advertisers

13 Sundalo, ‘bantay’ ni VP Robredo sugatan sa aksidente

0 158

Advertisers

Sugatan ang 13 miyembro ng Philippine Army 17th Scout Ranger Company nang sumabog ang gulong ng kanilang sasakyan sa Lamitan City, nitong Miyerkoles ng umaga.

Sa ulat, bahagi ang mga nasabing sundalo ng mga security ni Vice President Leni Robredro na dumalaw sa Lamitan City nitong Miyerkules.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, 11:00 ng umaga nang bigla na lamang sumabog ang harapang gulong ng KM450 vehicle ng mga sundalo na nagdulot sa pagkawala ng kontrol ng driver.



Dahil sa pangyayari, nahulog ang sasakyan sa road canal ng Barangay Sengal, Lamitan City.

Dinala agad ang mga sugatang sundalo sa Lamitan district hospitals upang lapatan ng kaukulang lunas.

Dalawa sa kanila ang na-dislocate ang braso at balikat habang ang dalawa na-fracture ang ribs.

Nasa maayos ng kondisyon ang mgabiktima, 8 sa mg asundalo ang inilipat sa Camp Don Basilio Navarro Hospital sa Western Mindanao Command.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More