Advertisers

Advertisers

Pamilya galing sa salu-salo: 3 patay sa bangga

0 149

Advertisers

NASAWI ang isang ama at dalawang bata nang mabangga ng isang trailer truck ang sinasakyan nilang “kolong-kolong” sa Claveria, Cagayan.

Kinilala ang nasawing ama na si Fernando Carniyan; anak na sina Angela, 6, at pamangkin na si Angel Juan, 5-anyos.

Sugatan naman ang asawa ni Fernando na si Roselyn.



Sa ulat, galing sa salu-salo at pauwi na ang mga biktima na sakay ng kolong-kolong o isang uri ng tricycle na minamaneho ni Fernando, nang salpukin sila ng truck, na minamaneho naman ni Juluis Amanonse sa highway na bahagi ng sa Barangay D. Leaño.

Ayon kay Police Major Krismar Angelo Casilana, hepe ng Claveria police, nang-agaw ng linya ng kalsada ang truck kaya nabangga nito ang kolong-kolong ng mga biktima.

“Paakyat ang trailer truck, medyo mabilis at kumuha o nang-agaw siya ng lane doon sa kabila. Based on investigation, nang-agaw siya ng lane sa opposite side of the road,” ayon kay Casilana.

Sinabi ni Casilana, na pakurbada umano ang naturang bahagi ng kalsada na pinangyarihan ng aksidente at walang masyadong ilaw kaya dapat ay maingat ang motorista.

Nasa kostudiya naman ng mga awtoridad si Amanonse na mahaharap sa kaukulang kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More