Advertisers

Advertisers

3 kidnappers huli; 1 bihag, pinatay

0 147

Advertisers

DAVAO CITY – Sinampahan na ng kaso ng Cateel Municipal Police Station sa Davao Oriental ang tatlong mga suspetsado na kumidnap at pumatay sa isa sa dalawang mga biktima kung saan nanghingi pa ng ramson ang mga ito.

Nakilala ang mga akusado na sina Joel Maguindong, Veloso Maguindong; at alias Jaguar parehong residente ng Barangay Malibago, Cateel.

Ayon kay Police Master Seargent Vincent Joel Uy, imbestigador ng Cateel Police station binihag ng dalawang mga suspek ang mga biktima na si Mrs. Rosalie Salvaña Sayman at 17 anyos na si alyas BanBan sa nakaraang at dinala sa bukiring bahagi ng Barangay Malibago sa nasabing lalawigan.



Ngunit nakatakas umano si alyas BanBan at nagsumbong ito sa mga kapulisan at sinabing humingi ang mga akusado ng 300,000 pesos kapalit ng kanilang kalayaan.

Nagsagawa agad ng operasyon ang otoridad na nagresulta sa pagkakahulo nga mga akusado ngunit narekober ng mga otoridad na wala ng buhay ang isa pang biktima na si Rosalie kung saan nasa tabi nito ang itak na ginamit sa pagpatay sa biktima.

Patung-patong na kaso ang isinampa ng otoridad laban sa mga suspetsado.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More