Advertisers
WALANG planong manghimasok ang Malacañang sa usapin ng voting threshold na kakailanganin para mahatulan sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, hindi makikialam ang Palasyo sa magiging desisyon ng mga senador na nagsisilbing impeachment judges.
Kasunod ito ng mga legal opinion ng ilang dating punong mahistrado ng Korte Suprema tungkol sa tanong kung kinakailangan ba ang 16 na boto para ma-convict si VP Sara sa Senate impeachment court.
Naging usapin din ang hindi paglahok ng ilang senator-judges sa paglilitis dahil sa iba’t ibang dahilan.
Giit ni Castro, walang ilalabas na opinyon o magiging judgment ang Malacañang, maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa voting threshold na dapat sundin ng Senado.
Sa halip, hahayaan aniya ng Palasyo ang Senado na tukuyin at ipatupad ang nararapat na proseso, habang umaasa silang mananaig ang hustisya sa impeachment proceedings. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)