Advertisers

Advertisers

Taas-presyo ng Pinoy tasty epektibo sa Peb. 1

0 93

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang dagdag presyo sa Pinoy tasty at Pinoy Pandesal ay epektibo sa darating na Pebrero 1.

Magiging P23.50 na ang 10 piraso ng Pinoy pandesal mula sa dating P21.50.

Mula naman sa dating P35.00 ay magiging P38.50 na ang Pinoy tasty.



Ayon sa DTI, ang nasabing taas-presyo ay dahil na rin sa hinaing ng mga may-ari ng bakery sa taas ng mga presyo ng mga ginagamit sa paggawa ng tinapay gaya ng harina, margarine at maging ang liquefied petroleum gas (LPG).

Sinabi naman ng Philippine Federation of Bakers Association na mapipilitan din silang ipatupad ang ikalawang yugto ng taas-presyo kapag nagpatuloy ang taas-presyo. (Josephine Patricio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More