Advertisers

Advertisers

P1.8M ‘party drugs’, nasabat sa NAIA

0 538

Advertisers

UMABOT sa mahigit isang milyon pisong halaga ng ecstacy o ‘party drugs’ ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA mula sa Central Mail Exchange Center(CMEC) warehouse sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa ulat ng BOC-NAIA, ang kabuuang P1,895,500.00 na iligal na droga na nakalagay sa kargamento inabandona sa nasabing bodega at galing sa bansang Germany at Netherlands.

Unang nasamsam ng Customs authority sa pakikipagtulungan ng NAIA-PDEA, ang parcel na galing Germany kung saan ang consignee nakapangalan kay Shawn Eros Batu ng Blk. 6, Macleod Daliao, Toril, Davao City. Naglalaman ito ng 227 ecstacy tablets na may street value na P385,900.00



Ang pangalawang parcel, nagmula pa rin sa Germany na nakapangalan naman sa isang Jenina Ramos Joaquin ng Purok 4, Bambang, Bulacan. Naglalaman ito ng 384 ecstacy tablets na may street value na P 652,800.00 Ang pangatlong iligal na kargamento na galing Netherlands ay nakapangalan naman kay Ryan Carrasco ng Unit 14111 Pionner Highlands Condominium Tower 1, Pioneer St.Mandaluyong City. Nagkakahalaga naman ito ng P 132,300.00, kasama ang 105 ecstacy tabs na may street value na P178,500 libong piso.

Ang pang-apat at pang-limang parcels, nagmula din sa Netherlands na naka-consignee kay Cedric Linsanan ng 5 Quezon St. Del Rey Village 1,Baesa , Bgy. 163 Caloocan City. Pawang may laman na ecstacy tablets ang bawat parcels na umabot sa halagang P678,300.00 street value.

Ang mga nasabat na illegal ‘party drugs’, isinalin sa pangangalaga ng PDEA para na rin sa masusing imbestigasyon.(Jojo Sadiwa)