Advertisers
Ni JOVI LLOZA
USUNG-uso ang hiwalayan ngayon taon, 2022 mula nang maghiwalay sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Eto’t mainit na pinag-uusapan ang hiwalayang Carlo Aquino at Trina Candaza.
Dagdag din sa hiwalayan couple ang magdyowa na Barbie Imperial at Diego Loyzaga.
Sa cryptic message ni Trina ay ‘di na nga raw dapat pang pagtiwalaan yung lalakeng mahal mo na may ibang babae.
Inamin naman ni Trina na namayat ito at sobrang stress kay Carlo.
Kahit di kasal sina Trina at Carlo ay may isa silang anak na mag-iisang taon na.
Kaya sa socmed ni Angelica Panganiban nakarating na sa kanyang kaalaman kaya maraming netizens ang natuwa sa post pics ng aktres na natagpuan na nito ang happiness sa katauhan ni Gregg Homan.
At may netizen na nag-comment na nakarma raw si Trina, siya kasi ang naging mitsa ng di natuloy na pag-iibigan nina Angelica at Carlo.
Sinagot naman ng kampo ni Trina ang binalibag sa kanyang salitang karma at di nga raw siya nakarma sadya nga lang daw may mga tao na hindi makuntento at likas na tsiksboy gaya ni Carlo.
Marami namang nakisimpatiya kay Trina at naawa sa kanilang anak na siyang apektado sa kanilang hiwalayan.
***
Dennis at Jenn, iwas muna sa anak na si Jazz
2 WEEKS na nga raw naninirahan sa condo unit sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Sa vlog ni Jennylyn ay sinabi nito ang dahilan ng paglipat nila sa condo at wala na sila sa kanilang tinitirhan.
Halos lahat naman daw ay nagka-Covid kaya ganun na lang ang pag-aalala ng celebrity couple.
Bukod tangi na sila lang ni Dennis ang di tinamaan ng Covid dahil siguro sa awareness nila.
As in sinusunod daw nila ang safety protocols at pag may deliver nga sila ay dinidis-infect muna ito bago ipasok sa loob.
Inamin din nila na di nila kasama si Alex Jazz dahil exposed daw ito sa yaya niya na may Covid.
Kaya nasa bahay lang nila ito at naka-isolate lahat kaya ‘di nila isinama si Alex Jazz sa condo at baka mahawa si Jen lalo na ngayong buntis ito.
Anim na buwan na ang ipinagbubuntis ni Jennylyn ng isang baby girl at dagdag tsika pa sa vlog ni Jennylyn na halos si Dennis lahat ang gumagawa at nag-aayos nung naglipat sila sa condo.
Well, well, well…’Yun na!