Advertisers
SINO nga ba ang sumisikat na gambling lord ng Probinsya ng Batangas na may bansag na alyas Timmy as in Timawa sa paglalagay ng iligal na sugal.
Malakas daw ang kupal na ito sa sakop nila Mabini Mayor Noel Luistro at San Pascual Mayor Antonio Dimayuga dahil sa sipsip-butong pag-uugali ng kupal na ito.
Bahag umano ang buntot ng lokal na kapulisan na hulihin ang pasimuno ng iligal na sugal diyan sa dalawang Bayan ng Batangas.
Kilala nga kaya nila Mayor Luistro at Mayor Dimayuga ang kupal na ito?
Dahil dumarayo pa sa mga kalapit bayan ang kamandag nitong si alyas Timmy dahil may mga kubransa ding nakukuha ang mga kolektor ng kupal na ito mula sa kanyang pa-bookies, lotteng at stl cum jueteng sa mga kalapit Bayan.
Ibig sabihin, naka depende na talaga sa iligal na sugal ang nilalamon sa araw-araw ng buong pamilya ni Timmy. Galing din kaya sa iligal ang ipinanggagastos nito sa kanyang mga anak?
Sabagay ano pa nga ba ang papel ng isang sipsip-butong kupal kundi dumikit at humimod ng puwet sa mga pinapanginoong pulitiko nito.
Pero taliwas ang galawan nito pag dating sa labas, dahil ipinangangalandakan nito na kasosyo nya di umano sa iligal na pasugal ang mga naturang Alkalde.
Bukang bibig din nito ang salitang pinapalamon nya di umano sa kanyang palad ang halos 20 barangay kapitan na pinagkukubrahan ng kanyang iligal na gawain.
Nagtataka lamang tayo kung bakit tila inuti na naturingan sa katarantaduhang ito ni Timmy ang mga opisyales ng San Pascual at Mabini lalo na ng liderato ng Batangas PNP.
Namamalahibo nga ba ang mga ito kay alyas Timmy? Kung hindi man namamalahibo malamang ay nakikinabang!
Paging PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN Antonio Yarra Sir!
Sir mukhang maraming malatubang pulis pa ang natitira d’yan sa AOR ng Batangas partikular sa bayan ng San Pasqual at Mabini na dapat n’yong italagang taga-bantay ng flag pole ng PRO CALABARZON.
Isa sa umaga para mabilad sa araw at magising sa katotohanan at yung isa naman sa gabi para mababad sa hamog para matauhan at magising nang mawala ang pagkaka-adik sa “intelihensiyang” galing sa iligal na sugal!
“Yan po Gen. Antonio Yarra ay kung totoo kayo sa inyong mga binibitawang salita sa harap ng media!
Kung di n’yo kayang gawin po ang isina-suggest ng inyong abang lingkod tungkol sa mga malatuba ninyong mga opisyales sa San Pascual at Mabini, we rest our case.
Mananaginip na lamang po kami at mangangarap ng gising Gen. Yarra Sir!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com