Advertisers

Advertisers

Hepe ng pulis sangkot sa ‘Santillan case’, sumuko!

0 575

Advertisers

Sumuko ang isang opisyal ng Calabarzon PNP at dalawang sarhento na sangkot sa double murder sa ‘Santillan Case’ sa Cainta PNP.

Sa ulat ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay P/BGen. Antonio Yarra, PRO4A-regional director, kinilala ang tatlong sumuko na sina P/Capt. Sandro Ortega, dating deputy chief of police ng Cainta PNP; Edgar Opanda Awa-ao, dating imbestigador; at P/Cpl Jonel Villas Adin, dating member ng SWAT, kapwa ng Cainta police at mga sangkot sa kasong double murder sa Santillan case ilang taon na ang nakakalipas.

Unang sumuko sina Awa-ao at Villas Adin noong Febuary 25 dakong 5:00 ng hapon habang Febuary 28, dakong 8:30 ng umaga si Ortega.



Ang tatlo sangkot umano sa kasong pagpatay sa dating body guard ni Atty. Glenn Chong na si Santillan at kasama nitong babae may ilang taon na ang nakalipas.

Nauna rito, unang sumuko sa PRO5 sa Legaspi Albay ang sampong pulis (10) na wanted sa Santillan double murder case at kapwa dating mga nakatalaga sa Highway Patrol Group sa Rizal PNP Provincial Office.



Nabatid sa ulat ni PRO4A BGen. Antonio Yarra, bukod sa 13 sumuko meron pang 7 na sangkot ang nakakalaya at target ng awtoridad.(Edwin Moreno)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">