Advertisers
Patay ang isang pulis nang atakihin ng mga elemento ng New People Army (NPA) ang kampo ng 504th Maneuver Company sa Pilar Sorsogon.
Kinilala ni BGen Jonnel Estomo Regional Director PRO5 ang nasawing pulis na si Cpl Ryan M. Atos na nakatalaga sa 504th Maneuver Company.
Ayon kay Estomo, 6:54 ng gabi ng salakayin ng ‘di batid ng mga rebelde ang kampo na matatapuan sa Brgy. Esperanza, Pilar Sorsogon.
Ang engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at kapulisan at tumagal ng 15 minuto na ikinasawi ni Atos nang tamaan ng bala sa katawan.
Agad naman tumakas ang mga rebelde sa iba ibang direksyon.
Nagsagawa nang operasyon ang militar at pulisya upang tugisin ang mga tumatakas na mga rebelde.(Mark Obleada)