Advertisers

Advertisers

Maine nag-sorry sa pamilya ng syotang si Arjo; Ellen at Derek natuloy din ang honeymoon sa Africa para makabuo na ng baby

0 405

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MULA nang ikinasal sina Ellen Adarna at Derek Ramsay noong Nobyembre 11 last year ay wala pang honeymoon ang couple.
Dahil nga ito sa pabagu-bago na status ng Covid-19 sa bansa.
Sa socmed ni Ellen ay ibinahagi nito ang kanilang larawan na kasama si Elias sa airport habang naghihintay.
Sa Africa ang destinasyon ng tatlo na noong February 24 ay tumulak para sa kanilang honeymoon.
Puwede na naman sundan si Elias dahil more than 3 years old na ito.
Ni-reveal na nga ni Derek kung ano bang gender ang gusto nito at inihayag naman nito na baby boy ang gusto nilang maging anak ni Ellen.
Kasi kung girl daw ay baka makasapok si Derek.
Samantala, paano raw sila magha-honeymoon kung nandun si Elias, sa isang caption nga nila eh may bantay nga raw.
Isinama na nga raw nila si Elias dahil ipinangako na nila ito at ayaw nilang bumale sa pangako.
At gusto rin nila ma-experience ng bata ang pagpunta sa Africa.
Well, wish ng fans na pagbalik Pinas ay may new baby na sina Derek at Ellen.
***
AYON sa mga sitsit noon pa raw naba-bash si Arjo Atayde at kanilang pamilya kasama si Sylvia Sanchez.
May bashers kasi na inaatake sina Arjo at sinasabi na kaya lang dyinowa si Maine Mendoza ay may vested interest daw.
Tulad ng para raw lumipat sa kanya ang mga supporters ng aktres. At gagamitin lang daw ni Arjo si Maine na may ganun talagang pambaba-bash tsika pa ni Sylvia sa isang showbiz platform.
Ikinaloka pa ni Ibyang ay may mga bash din na dahil daw sa milyon ni Maine.
Kaya balik ng bekiroo na nagtatanong kay Sylvia na mayaman din naman ang mga Atayde.
Nakarating na nga sa kaalaman ni Maine na maraming nangba-bash kay Arjo at pamilya nito.
Kaya ganun na lang ang paghingi nito ng sorry kay Sylvia.
Hindi naman daw si Maine ang nam-bash sa pamilya ng kanyang bf kaya okey lang dahil kapamilya pa rin ang turing nila sa gf ni Arjo.
Well, well, well… ‘Yun na!