Advertisers

Advertisers

Ibinintang ang Kasalanan sa Kalaban

0 280

Advertisers

A liar begins with making falsehood appear like truth, and ends with making truth itself appear like falsehood. — English poet William Shenstone

ANG kampo ni Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) congressional candidate Patrick Michael ‘PM’ Vargas ang totoong namimili ng boto sa Distrito V ng Quezon City.

Ito ang ating napagalaman makaraang ibinunyag ng bumaligtad na tauhan ni Vargas na walang katotohanan ang mga alegasyon ng vote buying laban sa negosyanteng si Rose Nono-Lin na nangunguna ngayon sa congressional derby sa nabanggit na distrito.



Si Vargas ay first-term councilor at siya ang umaasam na hahalili sa kanyang nakababatang kapatid na si outgoing at three-term Novaliches District representative Alfred Vargas, na ngayo’y tumatakbo para 36-na-miyembrong konseho ng Quezon City.

Ayon sa ating source na nagpakilala lamang bilang Steve: “Ang mga Vargas ang totoong namimili ng boto dahil desperado na sila sa napakalaking kalamangan ni Ate Rose Lin sa mga survey. Pakana nila ang lahat ng mga paninira kay Ate Rose Lin.”



Ang tinutukoy ng ating impormante ay ang dating artista at papalabas na kongresistang si Alfred Vargas.

Isinalaysay ni Steve na ang kalabang kampo ni Nono-Lin ay namimigay ng membership card sa mga botante ng kanilang distrito, na nagpapakilalang sila ay ‘Vargas Workers’ na may kalakip na halagang PhP1,500.



Sabi pa nito: “Sa bawat pagpupulong na ginagawa ng mga Vargas. Nandudoon po ako at iba ko pang kasamahab. Kami po ang naatasang mamigay ng ‘Vargas Workers’ membership card na may nakaipit na pera.”

Ganito umano ang estilo sa pagbabahay-bahay na kampanya ng mga Vargas—bawat botante na miyembro ng isang pamilya ay binibigyan ng membership card kalakip ang pera.

Ipinakita ni Steve ang ilang mga larawan bilang patunay sa kanyang ibinulgar bagama’t hindi na ipinakita ang mga mukha ng mga tumanggap para itago ang kanilang pagkakakilanlan at protektahan ang kanilang seguridad.

Ayon kay Steve, desperado na ang kampo ng mga Vargas dahil batay sa mga survey, malaki na ang kalamangan ni Nono-Lin, na ayon sa Alternative Intelligence Management Consulting (AIMC) ay nakakuha ito ng 52.62 porsyentong voter preference. Tumaas ito ng 9.19 na porsyento mula sa nakuhang 38.43 porsyento noong buwan ng Marso.

Batay din sa AIMC survey, si Patrick Vargas ay nagtala ng malayong pangalawa sa 26.23 porsyento na bumaba ng 9.84 porsyento kumpara sa nakuhang 46.07 porsyento noong Marso.

Nasa pangtalong namang puwesto si dating congresswoman Annie Susano, na nagtala ng 10.27 porsyento mula sa 3.82 porsyento noong Marso. Mayroong apat na iba pang kandidato na sina Rose Sanchez, Manang Inday Esplana, Antonio Ortega at Jun Rustia.

Kabilang sa plataporma ni Nono-Lin ang libreng edukasyon mula elementary hanggang kolehiyo sa lahat ng estudyante at libreng ospital at gamot sa mga residente ng District V.

Bago pa man tumakbong congressman si Lin, nakapagbigay na ito ng scholarships sa napakaraming mag-aaral sa kanyang distrito.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!