Advertisers

Advertisers

COMELEC OPERATION BAKLAS SA NAVOTAS, DI PATAS!

0 499

Advertisers

PALAGI Palagi nating naririnig mula sa mga pamunuan ng Commission on Elections (COMELEC) ang ‘malinis at credible election’ na siya naman talagang dapat mangyari dahil dito nakasalalay ang kahihinatnan at kinabukasan ng ating bayan.

Kailangan ay maging maayos ang election, walang kandidatong dapat lumabag sa itinatadhana ng batas. Hindi dapat binabaluktot ang election code, ang bawat kandidato ay dapat sundin ang umiiral na batas.

Kapag ang batas ay binaluktot at sinasalaula na ng mga kandidato, nariyan ang COMELEC para sawatain ang ika nga ay mga election violator para masiguro na magiging malinis, maayos at credible nga ang gagawing halalan.



Pero hindi ganito ang nangyayari dahil kundi mga pulitikong kandidato, ilang tiwaling opisyal at mga kawani pa mismo ng COMELEC ang lumalabag sa batas, kaya nagkakahetot-hetot ang resulta ng mga nakaraang halalan.

At ito na naman tayo, ngayon pa lamang ay napakarami na ng reklamo ang mga tumatakbong kandidato sa iba’t ibang posisyon na ang isinusumbong ay mga opisyal at COMELEC personnel na umano’y di patas sa kanilang trabaho.



Sa Navotas, matindi ang bangayan ng mga kandidato rito dahil sa akusasyon na isang opisyal ng COMELEC- National Capital Region, ay nakikialam sa kampanya pabor sa mga nakaupo. Bakit kaya galit na galit sa mga oposisyon ang naturang COMELEC official?

Sa aking kodigo, ang mga magkakatunggali diyan sa Navotas ay sina Rep. John Rey Tiangco na tumatakbong mayor kalaban si Raymond Emil ‘RC’ Cruz at Mayor Tiangco for Congressman laban kay Gardy Cruz.



Halimbawa ng pagiging bias ng COMELEC official na tatawagin na lamang nating si ‘Mr. Red’ ay malinaw pa sa sikat ng araw na pagkiling niya sa mga Tiangco brothers at halatang-halata na pang-aasar sa Cruz-father & son tandem.

Kuwento ng mga residente ng Navotas, sa mga nakaraang araw ang COMELEC ay nagsagawa operation baklas poster sa iba’t ibang lugar na mismong si ‘Mr. Red’ pa ang namuno sa pag-ikot sa buong lungsod.

Akalain mong siya (Mr. Red) raw mismo ang taga-turo kung ano at kaninong poster ang tanggalin sa pagkakakabit.

Ang ipinagtaka ng mga residente, ang mga pinagbabaklas lamang daw ay ang posters ng mga oposisyon.

Ang mga pinagtatanggal, kundi posters ng mag-amang Cruz ay mga campaign tarpaulin paraphernalia ng mga iba pang kandidatong bise alkalde at konsehal na pawang mga naka-ticket sa oposisyon, ayon sa mga residente.

Ang ginagawa ni ‘Mr. Red’ ay pang-aabuso sa kapangyarihan dahil klarong-klaro ang paglabag niya sa umiiral na election laws, giit pa ng mga residente.

Teka lang, hindi ba’t sa pinaiiral na structural position ng COMELEC, sa buong bansa may nakatalagang opisyal ang ahensya sa bawa’t siyudad, munisipalidad o probinsya na magsisilbing COMELEC ‘overseer’?

Naitanong ko ito dahil ang Navotas bilang lungsod ay tiyak na may COMELEC City Officer na itinalaga riyan na dapat siyang opisyal na umakto sa mga nangyayaring kalokohan ng mga tumatakbong kandidato.

Naitanong ko uli ito dahil NAKAKADUDA ang ginagawang pamumuno ni Mr. Red ng operation baklas diyan sa Navotas lalo pa’t nakita sa kanya ang ‘di patas na pagsasakatuparan sa sinumpaang trabaho at responsibilidad.

Para malaman ang katotohanan sa kung may nilabag na election code sa Navotas, kailangan umakto si COMELEC chairman Saidamin Pangarungan – paimbestigahan ang reklamo ng mga Navoteños.

Kailangang kumilos si Chairman Pangarungan dahil ang election sa Metro Manila, ang Navotas ang lumalabas na PINAKAMAGULO dahil merong nasasalamin na panganib na nangyayaring KABABALAGHAN.

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.