Advertisers
MALIIT man ang grupo o kaunti ang rehistradong botante ay tuloy-tuloy lang sa pangangampanya, at hindi ito ikinababahala ni presidential standard bearer Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso dahil naniniwala siya sa silent majority votes.
Konti man, at hindi daan-daang libong tao ang nakikita sa anumang town hall meeting o rally ng Aksyon Demokratiko ay sinabi ni Yorme Isko sa media, “Don’t Panic, it’s organic!” matapos ang courtesy call kay Gov. Samuel Gumarin sa Guimaras Provincial Gym in Guimaras province nitong Miyerkoles, Abril 27.
Mas personal, mas matiim ang pagtitiwala sa suporta ng mga tao na dumadalo sa maliliit na miting niya sa mga kapitolyo, munisipyo, kalsada at plasa, kasi ito ay totoo, hindi pinaghahandaan upang magpabongga tulad ng ginagawa bg ibang kandidato.
Motor-paid ang tawag dito ni Isko.
“Magastos ang ‘motor-paid. Di ba, I mean, bakit ko naman babaliwin ang sarili ko ng 40,000 na tao pero binayaran ko naman sila ng tig-lilimabg daan just to rah-rah,’ sabi ni Yorme Isko sa mga reporter.
Ayon kay Yorme Isko, iba ang sarap ng harap-harapang pakikipag-usap sa masa na madarama ang totoong init at pagmamahal. (BP)