Advertisers

Advertisers

KAKAMPINKS NA POLITIKONG OLIGARKO, KINASTIGO NI ISKO

0 224

Advertisers

ELITISTA, mapang-api, matapobre at mapalinlang!

Ganito tinawag ni Aksyon Demokratiko standard bearer Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang mga tagasuportang Kakampinks/Pinklawans ni Vice President Leni Robredo sa kampanya nito kamakailan sa Rizal.

“Bully sila, ugaling-ugali yan ng matataas na napakababa ng tingin sa mga nasa ibaba. Mapang-api sila, kaya ayaw sa kanila ng taumbayan!”



Patunay na matapobre si Robredo at ang mga Kakampinks ay ang pamimilit na iatras na ang kanyang kandidatura at maging sina Senador Ping Lacson at dating Defense Secretary Norberto Gonzales.

“Anong unification ‘yan na kami ay pinaaatras para makipag-unify sa kanya. Nag-pink pa sila, pero dilaw naman na puro matapobre. Ngayon nakahanap na sila ng katapat. Nilalabanan ko sila,” sabi ni Yorme Isko sa mga kaharap na media at sa mga taong kamiting sa isang munisipyo sa Rizal.



Wala siyang intensiyon na makipag-away sa karaniwang tao na tagasuporta ni Robredo, “nagsasabi lamang ako ng katotohanan,” sabi ng 47-anyos na alkalde ng Maynila.

Pinatutungkulan niya, dagdag ni Isko, ay ang makapangyarihang politiko at oligarko na ipinantutukso ay ang kanilang pera.



“Hindi nyo kami matutukso sa pera ninyo, kayong mga political oligarch, mga matapobre. Maliit ang tingin nila sa amin kaya pinagwi-withdraw nila ang kanilang kalaban, kasi kaming maliliit, kaming mula sa kahirapan ay wala ng karapatan? Sila ang pink bully at sila Leni ay matapobre. That’s my opinyon,” sabi ni Yorme Isko.

Aniya, hindi malilinlang ang taumbayan sa pagpapalit ng kulay.

“Nagpalit pa, e malinaw namang siya ay dilaw na dilaw. Nag-pink si Robredo, alam niya, ayaw na ayaw, suklam na suklam na ang mga tao sa inyong dilawan. Hindi na nyo, maloloko ang tao. Alam na nila ang totoo,” sabi ni Yorme Isko. (BP)