Advertisers
Ni WALLY PERALTA
ENJOY na enjoy si Ariella Arida sa bago niyang movie under Vivamax, ang “Breathe Again” streaming na starting June 3 sa lahat ng Vivamax App.
Makakasama ni Ariella sina Tony Labrusca at Ivan Padilla. Istorya ng isang relasyon kung saan ay nakahanap ng “init” ang magdyowa sa kandungan ng ibang kapartner.
“Iba rin kasi yung spark na bigay ng bago pa lang na relasyon na nag-ignite agad. Yung intimacy na hinahanap ko, naibigay nung bago kong partner. Yung kulang doon sa isa, natagpuan ko doon sa kanya,” say ni Ariella.
“The movie examines the dynamics of the relationships I have with two different men.
“I’m in a long term relationship in the story with Ivan Padilla as Paolo, so you can see in us the kind of intimacy that long time partners have.
“He proposes marriage to me then takes me to the beach, knowing that I love swimming. But that’s where complications occur,” say pa rin ni Ariella.
Kumusta naman kaya ang sexy scenes nila ni Tony, knowing ang role ni Tony ang nagbigay ng panibagong ‘init’ sa katawang lupa ni Ariella sa “Breathe Again”.
“He’s fun to work with, naging close na agad kami. Sobrang chill lang katrabaho ni Tony. We did steamy love scenes and you will see that our director, Raffy Francisco, really pushed the boundaries when it comes to sexiness,” dagdag ni Ariella na ngayon ay lumevel up sa pagpapa-sexy sa pelikula.