Advertisers
MALAKI ang pasasalamat ni Charlie Dizon sa “Viral Scandal” sa pagmulat nito sa kanya sa napapanahon at relevant issues lalo na sa kahalagahan ng pagkakaroon ng support system ng mga biktima tulad ng kanyang karakter na si Rica.
Ayon kay Charlie, “Feeling ko may nagbago sa akin talaga. Mas naging matatag ako. Mas naging open yung mind ko sa mga nangyayari sa paligid at sa social issues. Masasabi ko na proud na proud ako na nagawa ko yung ‘Viral Scandal’ at naging part ako ng show na ito.”
Inilahad din niya ang kanyang mga natutunan sa karakter niyang si Rica na ginagampanan niya sa serye at mga pinagdadaanan nito.
“In every victim, laging apektado yung buong environment niya and doon ka rin talaga makakakuha ng support system. Kahit anong mangyari, sila at sila pa rin ang babalikan mo. Para kay Rica, maswerte siya na yung pamilya niya ay sinuportahan siya at binuhos yung pagmamahal sa kanya,” dagdag niya.
Katulad ng sinabi ni Charlie, subaybayan kung paano makakatulong kay Rica ang suporta ng kanyang pamilya at nobyo sa laban niya para makamtam ang hustisya.
Patuloy na lumalaban pa rin sina Rica at Ella (Aya Fernandez) na makulong si Jigs sa salang pag-rape sa kanilang dalawa. Magkakaroon naman sila ng bagong kakampi sa katauhan ni Raven (Kaila Estrada) na makakakuha ng buo at unedited video ng panggagahasa ng pinsan kay Rica na makakatulong sa kaso ng kapatid.
Mas aayon din ang hukuman kay Rica at mukhang malapit na nilang makamit ang inaasahang hustisya.
Patuloy na trending ang “Viral Scandal” dahil sa matapang na pagtalakay nito ng napapanahong isyu tungkol sa sex education, women empowerment, fake news, at cancel culture. Hindi rin ito naalis sa listahan ng most-watched shows sa iWantTFC.
Abangan ang huling mga gabi ng“ViralScandal,” 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTViflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.