Advertisers
Maagang nagtungo sa Mariano Ponce Elementary School si Manila Mayoralty candidate Atty. Alex Lopez nitong Lunes sa national and local elections.
Sa ulat, 8:45 ng umaga nang dumating sa precinct 0841-A si Lopez Kung saan number 124 siya sa voters list.
Nagpasalamat naman si Lopez sa mainit na suporta sa kanya ng mga Manilenyo at kumpiyansa na maipapanalo nito ang laban sa pagka alkalde ng Maynila.
Kasama ni Lopez ang kanyang pamilya nang bumoto at kapwa nagpasalamat sa mga taga suporta sa magandang ipinapakita at pagtanggap sa kanilang kandidato.
Ayon sa anak ni Atty.Lopez na si Andrew Lopez, positibo sila na malaki ang tiyansang manalo ng kanilang ama dahil maganda naman aniya ang kanyang legacy at plataporma.
Samantala, mariing pinabulaanan ni Atty. Lopez, ang kumalat na balita na nag-withdraw siya sa kanyang kandidatura.
Aniya, malinaw na propaganda lamang ito ng mga kalaban niya sa politika para malito ang mga botante.
“Inaanyayahan ko po kayo na maging mapagmatyag sa mga pangyayari at isumbong ang mga posibleng paglabag at iregulidad na mangyayari,” wika ni Lopez.
“Those are desperate moves of a losing candidate. Here I am, I cannot withdraw. Because from zero I gone up to be the front runner, so that (news) is really impossible.”