Advertisers

Advertisers

I’m back!

0 534

Advertisers

YES! Balik na po ako sa aking propesyon bilang isang mamamahayag. Ang mata, tainga at boses ninyo repapips!

After 45 days ng pagiging abala sa kampanya, talagang na miss ko ng todo ang pagsusulat kung saan 30 years ko nang buhay ngayon. Mismo!

Natalo po ang inyong lingkod sa isang malinis na laban, hindi gumamit ng salapi (no vote buying), no guns, goons and golds laban sa massive vote buying ng isang ubod ng yamang trapo na 30 years nang nagpapasasa sa kapangyarihan. Basta’t inilatag ko lang sa publiko ang aking mga programa, kung ano ang aasahan sa akin ng mamamayan kapag ako’y nakapuwesto. Pero iba na talaga ngayon ang eleksyon, pera na ang ginagawang basehan sa pagboto ng mga tao. Mismo!



I’m very proud sa halos 30K malinis kong boto out of 158,894 na bumoto sa congressman sa buong lalawigan ng Romblon.

Anyway, bago pa man ako mag-file ng Certificate of Candidacy (CoC) noon ay alam ko nang suntok sa buwan ang panalo ko dahil nga ubod ng yaman ng kalaban at kilala sa massive vote buying tuwing halalan. Pero kailangan kong lumaban para may pagpipilian ang aking mga kababayan at iparamdam sa trapong ito (Budoy Madrona) na hindi lahat ng Romblomanon ay takot sa kanyang salapi at ‘di sang-ayon sa grabe nang korapsyon sa lalawigan.



Sabi ko nga sa aking sarili, sa sunod na eleksyon kapag wala uling lumaban sa Congressman, haharapin ko uli ang tulisang politikong ito para mailabas niya uli ang kanyang mga kinulimbat sa puwesto.

Oo nga pala, submitted for decision na ang kaso ni Madrona sa Sandiganbayan, ang fertilizer fund scam, kung saan ang kanyang mga kasabwat rito ay namatay ang tatlo at nahatulan makulong ng 6 to 10 years imprisonment at ‘di na pinayagang makapagtrabaho pa sa gobiyerno ang dalawa. Tsk tsk tsk…



Si Madrona ay nasuspendi ng 90 days nang umakyat ang kaso sa Sandiganbayan bago manalasa ang pandemya ng Covid-19.

Two months ago ay natapos na ang mga pagdinig sa fertilizer fund scam na ito. Hinihintay nalang natin ang desisyon ng Sandiganbayan dito. Sa mga nakasuhan sa scam na ito, isa palang ang napawalang-sala dahil lamang sa teknikalidad.

Ayon sa isang retiradong Huwis, kung susundin lamang ng Sandiganbayan ang rules of law sa paglabas ng mga desisyon, dapat sa loob ng 90 days ay mailabas na ang desisyon. Wish ko lang!!!

Anyway, pasasaan ba’t lalabas din ang desisyon ng graft court sa kasong ito ni Madrona. Abangan!

***

Ako’y nalulungkot sa resulta ng halalan sa Maynila. Natalo ang magkapatid kong kaibigan na Lopez, reelectionist Congressman Manny sa District 1 at Alex sa pagka-mayor. Sayang ang mga taong ito!

Pero kailangan respetuhin ang boto ng nakararami. Suportahan nalang ang mga nanalo para sa kaayusan ng lungsod.

***

And now… the new leader of our country is Bongbong Marcos Jr.. Landslide ang panalo.

Yes! After 36 years nang patalsikin ng People’s Power ang pamilya Marcos sa Malakanyang ay nakabalik ito sa Palasyo, sa kabila na convicted ang pamilya sa ‘di pagbabayad ng state tax na nagkakahalaga ng P203 billion at tax evasion mismo ng incoming president.

Well, goodluck Prexy BBM!