Advertisers

Advertisers

No permit, no rally mahigpit na ipatutupad sa Maynila

0 79

Advertisers

MAHIGPIT na ipatutupad sa Maynila ang “No permit, No rally”.

Ito ay makaraang lagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang memorandum na nag-uutos sa mahigpit na pagpapatupad ng “Batas Pambansa 880” o “The Public Assembly Act.”

Sinabi ni Moreno na dapat kumuha muna ng permit mula sa pamahalaang lungsod ang mga nagpaplanong magsagawa ng pampublikong pagtitipon.



Ipinag-utos din ng alkalde kay Manila Police District Director Gen. Leo Francisco na mahigpit na ipatupad ang mga probisyon ng nasabing batas.

“Tapos na ang kampanya, tapos na ang halalan, nag desisyon na ang tao. Now, we have to put things in right order. For the purposes of moving on at kayo ay maibalik na sa normal, yung normal na pamumuhay, kailangan na pong ilagay natin sa tamang perspektibo ang mga bagay bagay,” sabi ni Moreno.
“My job is to keep you safe. My job is to give you opportunity. Ang trabaho ko ay mabigyan kayo ng maaliwalas, matiwasay, at panatag na pamumuhay sa lungsod ng Maynila,” paliwanag ng alkalde.

Samantala, inatasan din niya si Bureau of Permits director Levi Facundo at Manila Barangay Bureau director Romy Bagay na tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad sa lahat ng barangay kaugnay sa aplikasyon ng mga permit. (ANDI GARCIA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More