Advertisers

Advertisers

3 sa 9 presong pumuga sa Binangonan balik-selda!

0 301

Advertisers

Balik-selda ang tatlo sa siyam na presong pumuga sa kasong droga nang wasakin ang bintana ng Binangonan PNP Jail nitong Sabado sa lalawigan ng Rizal.

Sa ulat na tinanggap ni P/Lt. Col. Rodolfo Santiago ll, hepe ng pulisya, kinilala ang tatlo sa nadakip na pugante na sina Bryan Poras, 35; Joseph Picadizo, 22; at Rolly Anas, 38 anyos sa isang hot pursuit operation.

Target naman ng manhunt operation ang anim na pugante na sina Edward Vorja, Jason Francisco, Noel Guilardo, Jonel Prudenciado, Jefferson Santuyo at Alex Anorico, kapwa takas sa detention cell ng pulisya.



Ayon kay Pat. Carl Tablante, jail officer, winasak ng mga bilanggo ang bakal ng bintana, umakyat sa bubong at tumakbo patungo sa Manila East Road, Brgy., Calumpang sa nabanggit na bayan.

Nabatid din kay Tablante na walo sa mga suspek may kasong illegal drugs at tanging si Anorico ang may kaso naman ng pagnanakaw.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">