Advertisers

Advertisers

Brgy. kagawad, binaril-patay

0 444

Advertisers

PATAY ang isang barangay kagawad nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang sakarin habang ang una nanunuod ng telebisyon sa loob ng kanyang bahay, nitong Lunes sa Albay.

Kinilala ang biktimang Kagawad Dominador Oliveros, 76 anyos, Zone 1 Barangay Bariw, Libon, Albay.
Batay sa report ng Ligao City Police Station, 8:00 ng gabi nanunuod ng telebisyon ang biktima ng biglang pumasok ang mga armadong suspek.

Pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.



Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.
Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga salarin para sa agaran ikadarakip.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">