Advertisers
IYAN na siguro ang unang alituntunin at hakbang na dapat isagawa ng sinuman partikular na ang mga manunungkulan sa bagong administrasyon para sa mabilis na pag-unlad at pag-asenso ng bayan.
Ang muling pagbubuklod at pagkakaisa ng bawat Pilipino ang primerang makinarya upang agad na maramdaman natin ang asenso at progreso ng sambayanan lalo na sa paglobo ng ating ekonomiya.
Kalimutan na dapat ang pamumulitika, mga alitan, ang mga kulay na sagisag ng mga partido at tanggapin na ng walang pag-aalinlangan ang mga kandidatong hinalal ng mga tao.
Sa pinamalas na lamang na mahigit na 10-M boto ni presumptive President Ferdinand Marcos Jr. at ng kanyang Vice President na si Sara Duterte, hindi na tayo dapat humihirit pa at kung anu-anong alibi o palusot pa ang sasabihin. Malayong-malayo kasi ang agwat at laki ng lamang nito.
Ilan sa mga sinasambit ng mga talunang kandidatong ito at ng kanilang mga supporter ay ang malawakan daw dayaan partikular na sa bilangan ng mga boto, lahat daw ng pabor at pangungunsinti ay binigay ng COMELEC sa tambalang BBM-SARA.
Iyan ba ay akusasyon o pawang hinala at kathang-isip lang. Kung ito ay akusasyon, matic na may kalakip itong pruweba at ebidensiya na sumusuporta sa kanilang akusasyon eh ang kaso ay wala namang maipakita.
Tapos na ang halalan at kailangan ng maluklok sa liderato ang tambalang BBM-Sara sa pagka Presidente at Bise Presidente ng bansa. Huwag na sana tayong humirit pa dahil malayong-malayo ang agwat.
Ito na malamang ang takdang-panahon upang tanggapin at harapin ang katotohanan.Ito na rin ang proper timing upang mag-concede na sa mga waging kandidato ang mga talunan dahil hindi naman ito kasalanan bagkus ay marami pa ang hahanga sa inyo for being a good-sport, di po ba?
Kung kaya nga tayo may election dahil ito na ang ating pagkakataon upang ihalal natin ang sinumang napupusuan nating kandidato, isa lang siyempre at hindi pwedeng lahat.
Sa ating mga kababayan partikular na ang mga kabataan na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ma-tanggap ang katotohanan na resulta ng election, manahimik na lamang muna kayo at bigyan naman natin ng pagkakataon ang bagong administrasyon.
Eh ang hirap naman sa atin ay hindi pa man naka-upo at hindi pa rin naman nagsisimula ay katakot-takot ng pambabatikos at hanap ng butas ang inyong hina-hanap, bigyan niyo naman sana ng tsansa, he… he… he…
Mantakin niyong ultimo mga miyembro ng Kabinete na napili ni presumptive President BBM ay kinokontra niyo na agad samantalang hindi pa naman nag-uumpisa, huwag naman ganon.
Ating pakatandaan na hanggat hindi tayo nagkakaisang lahat ay walang mangyayari sa programa at nais gampanan ng bagong administrasyon para sa sambayanang pilipino.
Mag-kaisa na tayong lahat para sa kapakanan ng ating bansa tutal ay nagsalita na ang mga tao, ganon din ang Diyos…Voice of the people is the voice of God…VOX POPULI, VOX DEI… there’s no harm in trying daw so why don’t we give everyone a chance to prove something…