Advertisers

Advertisers

SIPAG AT TIYAGA, PUHUNAN NG ‘RIPER-SABONG ON AIR TANDEM’ SA TAGUMPAY SA JP DRAGON 6-COCK DERBY

0 734

Advertisers

SIPAG at tiyaga.

Ito ang naging puhunan ng Riper-Sabong On Air tandem na naging sanhi upang mamayagpag sa JP Dragon 6-Cock Derby sa idinaos sa New Antipolo Coliseum sa Antipolo City nitong weekend.

Nakapagsukbit ng limang puntos ang combined entry nina Richard Perez at Ka Rex Cayanong na sinabakan ng mga kilala at bigating breeder o sabungero.



Si Cayanong ay isang kilalang commercial breeder at hard-hitting broadcast journalist.

Bunga ng naging performance ng kanilang mga binitawang manok, lalong humanga kina Cayanong at Perez ang bayang sabungero.



Nasa P3.7 milyon ang kabuuang premyo sa pa-derby at hosted ni JP Dragon.

Hindi lang ito tagumpay ng Riper-Sabong On Air tandem kundi maging ng mga runner-up, handler, at gaffer.



Pumalo sa P2 milyon ang nasungkit ng kampeon habang P150,000 sa first runner-up; P300,000 sa 2nd runner-up; P400,000 sa 3rd runner-up; P700,000 (4th runner-up), at P100,000, at P50,000 sa handler at gaffer.

Marami ang nagulat nang unang idispatsa ng Riper/Sabong On Air ang Malolos BTC, Wild Creek J-Lo na pag-aari nina Boyet Cruz at JV Lopez bago pinahiya ng pambato ni Robert Gaza na Digama Waste.

Kasunod nito, sunod na giniba ng mga alaga nina Perez at Cayanong ang ClearCut ni Madlam Bayan Bros kung saan pinagpag naman ang VRV Gallman ni Vincent Violago Manalansan, gayundin ang Lady Dragon ni Jimboy Jimenez.

Pahayag nina Cayanong at Perez, kung hindi rin dahil kina Boy Royo (handler) at Arvin Putot (gaffer) ay hindi nila makukuha ang kampeonato.

Anila, matagal na panahong pagtitiyaga sa paghahanda ng mga panlaban nilang manok ang isa sa mga puhunan din nila hanggang sa pagsabak nila sa aktuwal na laban.