Advertisers
BUONG ningning na naghakot ng 5 gold at 2 silver medals sa 31st Southeast Asian Games para sa bansa si World Vault Champion CARLOS ‘Caloy’ YULO kung saan itinanghal siyang Best Athlete sa kanyang stint sa Vietnam. Hindi nabigo ang Philippine Sports Commission (PSC) na back up ng Team Philippines led by chef de mission at PSC Commissioner RAMON FERNANDEZ. Matagumpay na nagbitbit ng 20 medalya ang team sa pangunguna ni YULO sa Artistic Gymnastic. ‘I’m very happy..I didn’t expect to win but I’m proud of my performance.’ saad ni Caloy. Nasa 1.8 M cash incentive ang naghihintay sa Pinoy World Vault Champion dahil sa matagumpat na pagsungkit ng pamosong karangalan para sa Pinas sa 2022 Southeast Asian Games.
Congratulations sa lahat ng matagumpay na atletang Pinoy..Congrats PSC! Hangad po namin ang marami pang medalya ng tagumpay para sa ating bansa at mas mahusay pang pangangalaga sa ating mga atleta. Mabuhay!
PBA DRAFT Season 47, HUMIRIT!
Walang aberya, successful ang pagdaraos ng Season 47 Draft ng PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila over the weekend. Mula sa 75 aplikante, 66 lang ang draft hopefuls na napiling lumahok sa annual Draft dahil hindi nakapagsumite ng requirements ang iba.
Tampok siyempre ang first round picks na nagpatingkad sa pinakabagong rookies na sasabak sa ligang propesyunal..sa long-time dream na mapabilang sa mga pambatong players ng Pinoy basketball..partikular sa numero unong pro league ng bansa, PBA. Nagsisimulang tumatak ang mga pangalan ng First Round picks: Brandon Ganuelas Rosser-Blackwater, Jeremiah Gray-Terrafirma, Jeo Ambobot-Converge, Justin Arana-Converge, Gian Mamuyac-Rain or Shine, JM Calma-Northport, Tyrus Hill-NLEX, Jam Gomez de Liano-Ginebra, Kurt Lojera-Blackwater, Shaun Ildefonso-Rain or Shine, Mull Dyke-Blackwater at Keith Zaldivar-Magnolia.Simula na po ng kampihan kung sinu-sino ang bet na unang aalagwa. Mauna rin kaya sa karera ang top 3 first round picks na sina Brandon Ganuelas Rosser ng Blackwater, Jeremiah Gray ng Terrafirma at Jeo Ambobot ng new team Converge? Kwidaw, maraming pwede sa biglang hirit! Good luck, waging Draftees/new rookies! Wish po namin, diretso na, walang lockdown o anumang aberya pa!
MAY HEYDAYS
Happy Birthday to MAY ROSE SANTOS of Cabanatuan City, MAE SUDAYAN, JANICE REYES BELEN and SUSAN FRANCISCO of Bataan, JOYLYN PENAFIEL of Taytay, Rizal, MARVIN SANTOS of Gen.Trias, Cavite and Mam EMILIA A.OBLIPIAS! May you have the best blessings.HAPPY READING!