Advertisers

Advertisers

P10.4m marijuana, binunot at sinunog sa Kalinga

0 354

Advertisers

Sinalakay ng mga awtoridad ang 4 na lupain sa Kalinga dahil sa mga tanim na marijuana na nagkakahalaga ng higit P10 milyon.

Pinuntahan ng mga operatiba ng PNP-Drug Enforcement Group Special Operations Unit-CAR, ang 5,200 sqm na lupain sa apat na site sa Barangay Loccong at Barangay Ngibat sa Tinglayan, Kalinga.

Sa loob ng 2 araw mula Mayo 18, binunot at sinunog ng mga awtoridad ang 52,000 piraso ng full-grown marijuana plants na tinatayang nasa P10.4 milyon ang standard drug price.



Sa unang site ng marijuana eradication sa ilalim ng Coplan Sprakynight, nakuha ang 15,000 piraso ng full-grown marijuana plants; sa site two, 7,500 piraso ng full-grown marijuana plants; sa site three naman binunot at sinunog ang 27,500 piraso ng full-grown marijuana plants habang sa huling site naman ay nakuha ang 200 piraso ng full-grown marijuana plants.

Wala namang nahuling cultivator sa nasabing operasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">