Advertisers

Advertisers

KAYLA NG ‘PINAS ANG REYNA NG 100 METER DASH

0 275

Advertisers

NABAWI ni Fil-American Kayla Richardson ang korona sa 100m dash na una niyang napanalunan noong tinedyer pa siya(2015 ) para makatulong na giyahan ang Pilipinas sa mabuway pang tersera puwesto kaagaw ang Indonesia sa idinaraos na 31st Southeast Asian Games aa Hanoi, Vietnam.

Ang tagumpay ni Richardson sa century dash ng athletics ay sinundan ang panalo ng women’s archery team nina Abby Bidaure at kapatid nitong si Pia, katuwang si Phoebe Amistoso, na tumudla ng team recurve gold sa Hanoi National Training Center pati na ang pagtumbok ng ginto ni Johann Chua bilang bagong hari ng singles 9-ball sa billiards na sumargo sa Ha Dong District Sporting Hall.

Ang naturang 3-gold haul ng Philippine contingent na itinataguyod ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission, ay nanatiling nasa ikatlo pangkalahatan sa kartadang 37 gold-48 silver -64 bronze medals dikit na ikaapat ang Indonesia na may 36-48-47 tally kasinod ang Singapore (35-37-44).



Di na kaya pang abutan ang nangungunang host Vietnam sa kanilang hablot na 122-75-72, ipaniguto sa overall title na hawak ng Pilipinas noong 2019.

Ang Filipino athletes ay sumungkit din ng limang silver medals mula taekwondo at table tennis at 10 bronze medals, kabilang na ang ambag ni karateka Jamie Lim, na nabigong idepensa ang titulo sa minus 61kg category ng kumite.



Ang slow starter na si Richardson ay umalagwa sa kalagitnaan ng karera ng 100-meter tungo sa kampeonato sa kanyang ginintuang tiyempong 11.6 seconds na dumaig sa 8-runner field kabilang na ang 200-m queen na si Shanti Pereira ng Singapore, na naorasan ng 11.62 para sa silver habang tersera si Thai Supanich Poolkerd na may 11.66 segundo.

“I can’t complain. I’m so grateful. It took me a lot to get here. I thank God for getting me here,” sambit ng emosyonal na si Richardson habang kayakap ang kapatid at kapwa national athlete.



Si Pinay tennis sensation Alex Eala ay dinomina ang pambato ng Malaysia na si Jo Leen Saw via straight sets sa Hanata Tu Son courts ,Bac Ninh upang umabante sa semifinals ng mixed doubles ka- tandem si Treat Huey.

“Won my very first ever SEA Games mixed doubles match. Thanks partner, Treat Huey! Also won my singles match today and moved to the semifinals. Laban PH!” determinadong pahayag ng 16-anyos na si Eala .(Danny Simon)