Advertisers
NAGTALA si Stephen Curry ng 21 points at game-high 12 rebounds, upang tulungan ang Golden State Warriors na ilampaso ang Dallas Mavericks, 112-87, kahapon Huwebes para sa 1-0 lead ng Western Conference Finals.
Doncic umiskor ng 20 points, at nagpaulan ng back-to-back 3 pointers late sa first half para ilagay ang kanyang team sa 54-45 sa break, pero nagsanib puwersa sina Curry at Thompson para tulungan ang Warriors na ilayo sa ikalawang yugto.
Jalen Brunson nagtapos ng 14 points na sablay ang lahat ng kanyang limang 3s para sa nasorpresang Mavs, na pinataob ang top-seeded Suns sa 123-90 pagdurog sa Game seven nitong Linggo sa Phoenix.
Ang Game 2 ng best-of-seven series ay sa Biyernes ng gabi sa Chase Center.