Advertisers
Kumakalat ngayon ang balitang wala ang Certificate of Canvas (CoC) sa mga ballot boxes sa lungsod ng Maynila.
Maging si Senate Majority floor leader Migz Zubiri, isa sa mga co-chair ng joint panel na nakatoka sa Canvas votes ng presidente at bise-presidente, nagalit nang malaman na nawawala ang mga COC at Electoral Returns na mula sa iba’t-ibang siyudad at probinsya.
Napag-alam na isa ang Maynila sa anim na lugar na walang CoC.
Dahil dito maliwanag na void o walang bisa ang nagdaang eleksyon sa Maynila nitong Mayo 9, 2022.
Lumilitaw na hindi naging pulido ang ginawang pandaraya umano ng mga iprinoklamang bagong opisyales ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na pawang mga kasapi ng team Asenso na pinamumunuan ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domangoso.
Sinubukan mangdaya ng team Asenso pero hindi nagtagumpay sa ‘overwhelming majority’ ng supporters ni BBM sa Maynila.
Pero nakinabang sa naganap na dayaan ang buong team ng Asenso Manilenyo.
Naging ‘high tech’ na ang manipulasyon ng pagsasagawa ng pandaraya.
Ayon sa ilang IT Specialist, dapat ang binusisi ang server dahil posibleng 2 ang ginamit na server, isang pre-programmed at isang actual count.
Kamakailan din kumalat sa isang social media platforms ang ibinasurang mga training ballots ng Maynila sa isang lote sa Cavite na kasalukuyang iniimbestigahan ng Comelec.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, dapat ang mga training ballots tinago ng mga guro na nagsilbing miyembro ng electoral board at hindi dapat tinatapon kung saan lamang.
Sinabi pa ni Garcia na maraming dapat ipaliwanag ang mga election officer ng Maynila kung bakit napadpad sa Amadeo, Cavite ang mga balota na ginagamit sa training, final testing at sealing process bago ang aktuwal na botohan noong Mayo 9.
Ngayon ‘di maalis sa isipan ng tao na kaya nawawala o sadyang winala ang mga balota upang ‘di mabilang ang tunay na binoto ng taumbayan.
Sa puntong ito nag-suffer ang karapatan ng mga Manilenyo para sa isang sa transparent elections.
Sana gawan ng agarang aksiyon ng Commission on Election (COMELEC) ang mga naging kaganap sa Maynila.
Kaya hinihiling ng mga Manilenyo na sana magkaroon ng snap election sa pamamagitan ng manual voting para lumabas ang katotohanan kung sino ang tunay na nagwagi sa Maynila.