Advertisers

Advertisers

MISIS NG HUWES SA ISABELA PATAY SA AMBUSH!

0 384

Advertisers

ILAGAN CITY – Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa pagpaslang sa asawa ng Huwes sa lalawigan ng Isabela.

Kinilala ang biktima na si Agnes Cabauatan-Palce, 58 anyos, misis ni Judge Ariel Palce ng Ilagan Regional Trial Court Branch 40 at internal audit department manager ng Isabela Electric Cooperative 2.

Sa report ng Ilagan City PNP, 5:00 ng hapon ng Miyerkoles nang maganap ang krimen sa Barangay San Felipe ng naturang lungsod.



Sa imbestigasyon ng pulisya, gamit ng biktima ang service vehicle ng audit department ng ISELCO 2 at may kasama itong driver at empleyado sa sasakyan nang mangyari ang pamamaril.

Pauwi sa kanilang tahanan ang biktima sa bayan ng Tumauini nang tambangan ng riding in tanderm. Binaril ng angkas ang biktima na tinamaan sa panga. Kaagad tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon.

Dinala pa sa Isabela Doctors General Hospital ang biktima pero dineklarang dead on arrival.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin. (Rey Velasco/Mark Obleada)