Advertisers

Advertisers

3 preso nakatakas sa Surigao jail

0 212

Advertisers

BUTUAN CITY – Tatlong preso ang nakatakas mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility sa Surigao del Sur sa Cantilan District Jail nitong Miyerkules.

Kinilala ang mga nakatakas na bilanggo na sina Renwood Baya, may kasong carnapping; Junmar Quezada, may kasong robbery; at Edgardo Pinoy Jr., may kasong rape.

Ayon kay Colonel Joseph Boquiren, direktor ng Surigao del Sur Police Provincial Office (SDSPPO), nakaalerto na ang lokal na pamahalaan at city police station para magsagawa ng masusing imbestigasyon kasama ang BJMP sa nasabing insidente.



Ipinakalat na in sa social media ang mga impormasyon at larawan ng mga pugante para maipaalam sa publiko at mapadali ang paghuli sa mga ito.