Advertisers
Inihayag ng Malacanang na nasa kay Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat sakaling maimbitahan siyang magsilbi bilang anti-drug czar ng papasok na administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni acting deputy presidential spokesperson Kristian Ablan na habang nasa kay Duterte ang desisyon, marami ang naniniwala na ang outgoing President ay sabik na inaabangan ang kanyang pagreretiro.
Nauna nang inihayag ni President-elect Ferdinand Marcos Jr na bukas ito sa desisyon na gawing drug czar si Pangulong Duterte sa kanyang administrasyon.
Ayon kay Marcos Jr., sinabihan siya ni Duterte na ipagpatuloy ang kanyang kontrobersyal na giyera laban sa ilegal na droga.
Sa punto de vista ng inyong abang lingkod,hindi lamang pagiging “drug czar’” nang papasok na administrasyong Marcos ang puwedeng maging makabuluhang papel ni outgoing President Duterte kundi mas marami pang iba gaya nang pagiging “national security adviser” ni PBBM.
Ngunit lahat ng ito, will take time dahil nakikita natin sa body language ni Tatay Digong na very excited na siyang umuwi ng Davao and spend time with his family and friends.
Maybe after a few months after, hahanap-hanapin na muli ni Tatay Digz ang kanyang very hectic schedules.
Magiging malaking tulong at kapakinabangan sa administrasyong Marcos kung tatanggapin nga ni outgoing President Duterte ang hamon na maging “ anti-drug czar ng bansa.
Alam naman nating lahat ang matinding pagkamuhi ni Tatay Digong sa iligal na droga at sa mga taong nasa likod ng kahayupang ito.
Marami tayong nakikitang hadlang sa hakbanging ito ni President-elect Bongbong Marcos at ni Tatay Digz.
Una, sigurado nating hahadlangan ito ng karamihan sa mga taga-oposisyon na nabibilangan sa grupo ng Dilawan kung saan lumaganap ang kalakalan ng droga sa panahon na si Noynoy Aquino pa ang nakaupong Pangulo.
Ang pagkakasangkot and the eventual na pagkakakulong ni former Senator Laila De Lima dahil sa PAGKAKASABIT nito sa droga ay isa pang napakalaking issue sakali mang ganap nang hirangin “drug czar” si outgoing President Duterte.
Ang pilit na mga EJK cases na ibinabato kay Tatay Digong ay muling ibabalibag dito kung ito na nga ay patuloy na manunungkulan bilang anti-drug czar ng Pinas.
More or less, naniniwala tayong tatanggapin ito ni Pangulong Duterte ng walang pag-aalanganin.
May ilang bagay lamang muna ang dapat isaayos at matiyak.
“Yan ay kung hanggang saan ang magiging kapangyarihan ng itatalagang “Drug Czar ng Marcos administration at hanggang saan ang magiging suporta ni PBBM sa dating Pangulong Duterte?
May kasunod…
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com