Advertisers

Advertisers

LAHAT TAYO TALO

0 495

Advertisers

KUNG tahimik ka dahil ayaw mo na may magalit sa iyong paninindigan, ang ibig sabihin hindi mahalaga sa inyo ang paninindigan mo kundi ang paniniwala ng iba tungkol sa pagkatao mo. Kung naninindigan ka para sa katotohanan, magmamahal at pagkamuhi ang sukli. Malalaman ng lahat kung ano ang ipinaglalaban mo. Maganda ang mensahe ng mga katagang ito na hinalaw ko sa Tagalog. Ang lahat ng bagay may kalakip na presyo maliban sa paninindigang hindi matitinag. Ito ang nararapat na panuntunan na sinusunod. At tulad ng Dekalogo ni Gat Apolinario Mabini, ito ang dapat magsilbing gabay para matimon ang ating buhay. Subalit ang matatag na paninindigan ay mahirap hanapin sa kasalukuyan at napatunayan na ang kawalan nito ay may malaking epekto sa atin, hindi lang bilang nag-iisang tao, kundi malaki ang epekto sa ating kamalayan. Maraming iniwang tanong ang nakaraang halalan, at lubos ang nagiging epekto nito sa kalaunan, at ang nangingibabaw sa lahat ng katanungan ay kung nagkadayaan. At kung ganong tanong nararapat bang kibit ng balikat ito at, sa salita ng mga nagwagi ay mag “move on” na lang?

Noong Mayo 21, naglabas ang Philippine Daily Inquirer ng ulat na tungkol sa nakita ng isang grupo international observer na mga saksi sa mga kaganapan sa halalan: Bukod sa napabalitang vote-buying, nandoon ang red-tagging, disinformation, presensya ng pulis at militar sa mga presinto, ang biglaang pagbabago ng mga tumatayong electoral staff, election fraud, karahasan laban sa mga lokal na opisyal, at pagpatay. Ilan sa mga nakikitang mga salarin sa mga naganap ay ang mismong kasapi ng pulis, militar, mga tauhan ng incumbent sa lugar, at mismong mga incumbent. Pero kanino sila kasapakat? May kasabihan sa Ingles “he who has the gold rules”. Bago tayo humusga tingnan natin ang kaibahan ng dalawang kampo na masasabi ng “main protagonists.”

Sa kampo ni BBM nandun ang suporta ng mga LGU, karamihan mga mayor, gobernador, konsehal, mga tauhan sa PNP, at Hukbong Sandatahan. Sa mga nabanggit, nandoon ang suporta ng mga tauhan nila, at logistics. Malalim ang pinagdudukutan na bulsa ng kampanya ni BBM. Mula sa sinasabing nakaw na yaman ng ama niyang diktador, na tingin ko ay pinagmulan ng padulas para sa Comelec; suporta ng mapera nilang kasapakat, maging ang maalamat na Tallano Gold, na wari ko mas makatotohanan ang Mekeni’s Gold dahil naging pelikula ito. Sa kabilang dako sa kampo ni Leni Robredo, nandoon ang diwa ng bolunterismo, at ang pondo at suporta ay galing sa pangkaraniwang mamamayan. Hindi makakaila na tinalo ang kampanya ng biyuda, na iba sa kampanya ng mailap na anak ng naging diktador. Ngunit, sa kalaunan hindi pa rin ito naging sapat at ipinroklama ng Comelec si BBM at kasapakat niya. Para sa mga nanalo itinuturing ito na isang “pyrrhic victory”. Ang salitang “pyrrhic” ay galing sa Pyrrhic Wars na nangyari mula 280 hanggang 275 BC sa pagitan ng mga Romano at Pyrrhus ang hari ng Epirus. Sa naturang digmaan natalo ang kaharian ni Pyrrhus, ng kawalan sa Roma dahil sa pagkawala ng sundalo at kagamitan.



Pyrrhic victory ito dahil sa mata ng batas hindi dapat nangyari ito dahil ang nanalo ay napatunayang na nagkasala at nahatulan ng hukuman dahil sa hindi pagsumite at pagbayad ng kanyang real estate Tax. Ang pagbabayad ng buwis ay ipapataw sa sinumang mamamayan, at ang hindi pagbabayad nito ay may katumbas na parusa. Ayon sa dating Associate Justice Carpio: “The Tax Code mandates that a public officer shall be PERPETUALLY DISQUALIFIED from holding public office if he is CONVICTED of any crime penalized by this Code…” Dagdag pa ni Justice Carpio: “It is immaterial whether or not the crime involves MORAL TURPITUDE. Mr. Marcos is completely silent on this ground… ” Samakatuwid walang saysay ang pagkapanalo ni BBM kung sa kalaunan madidiskwalipika siya. At kung manyaring katigan ng Korte Suprema ito bago ang Hunyo 30, ang maluklok ay ang pumangalawa sa bilang. Pero kung mangyari ito matapos ang Hunyo 30, naluklok ang nanalong bise-presidente. Batid ng marami ang pagkapanalo ni BBM kagagawan ay humimok ng kalang sa pagitan ng dalawang panig ng tagasuporta. At ang kalang na ito ay mahirap bunutin, at nagsisilbing pinakamalaking hamon sa president-elect. Batid natin na isa dito ang mapatunayan ni BBM na hindi niya binili ang paninindigan ng bawat isang nakaupo sa Comelec, at siya ay hindi president-select. At kung talagang nanalo siya dahil inihalal siya ng mga tunay na tao. Sa resulta ng eleksyon lagi may talo at lagi may panalo. Sa naganap nung Mayo 30, sa palagay ko, lahat ay talo. Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian.

***



Mga Nasapot Sa Lambat: “Speaking of new taxes for the incoming president, how about a Troll Tax?” – Rassa Robles, journalist

“All lies come to an end. The truth lasts forever…” – Simon Sinek



***

Joke Time: (Nakita ko sa poste ni Migs Almendral)

Customer: WHERE ARE YOU FROM?…

Call center agent: PHILIPPINES SIR…

Customer: WHERE THE HELL IS THAT?…

Call center agent: DO YOU KNOW JAPAN?…

Customer: YES!…

Call center agent: TURN RIGHT…

***

Troll1: mga UP pulahan!

Troll2: hindi ka updated? Yung mga pinuno ng NEDA, BSP at Finance galing UP!

Troll1:..huh..eh..fake news iyan!!! (Prof. Cesar Polvorosa)

***

Heto ay mula sa kaibigang mula sa kaibigang netizen Ruben Malabuyo:

Ano ang tawag sa dagdag buwis?

E, di buwisit…

***

mackoyv@gmail.com