Advertisers

Advertisers

BARANGAY KAPITAN NI MAYORA NERIVI SANTOS MARTINEZ NG TALAVERA, NUEVA ECIJA,MAY PASUGALAN?

0 447

Advertisers

Maganda ang imahe ng bayan ng Talavera sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Mabait ang alkalde nito na si Mayor Nerivi Santos Martinez.

Katunayan, landslide ang naging panalo ng lady mayor nitong nagdaang halalan kung saan, muling ipinakita ng mga taga-Talavera ang pagmamahal, respeto at suporta nito sa kanilang masipag at mabait ng punongbayan.



Pero nais nating direktang isumbong kay Mayora Nerivi ang malatuba at nagpapakilalang barangay kapitan nito na si alyas Kapitan Oldak.

Isa itong batik sa malinis na pangalan ni Mayora Nerivi.



Isa itong promotor ng iligal na sugal na perya kung saan, nagbibigay batik sa pangalan at imahe ni Mayor Nerivi Santos Martinez.

Ang masakit sa kolokoy na si Kap Oldak, nito lang katatapos na eleksyon, isang grupo ng media mula sa Manila ang hinarass at pinagbabato ang sinasakyang van makaraang maaktuhan at makunan ng video at mga larawan ang operasyon ng pasugalan ni Kap Oldak.



Mismong si Kapitan Oldak pa mismo ang nag-utos sa kanyang mga tauhan na atakihin ang mga taga-media na luckily ay hindi naman nasaktan makaraan ang pambabatong nangyari.

Hindi kilalang mga bayolente ang mga taga-Talavera dahil na rin sa imahe ng kanilang alkalde na si Mayora Nerivi nga na isang mabait at makataong lider.

Bukod tanging itong si Kap Oldak lamang ang malatuba at walanghiya ang pag-uugali.

May criminal instinct ang Barangay Kapitan!

Bakit kamo natin nasabi ang mga bagay na ito?

Una, ang pagmimintine ng iligal na pasugalan ay nagpapakita na may utak-kriminal itong walanghiyang si Kap Oldak.

Pangalawa, ang ipag-utos mismo ng isang kapitan ang pag-atake sa mga kasapi ng media na sumita sa kanyang pasugalan ay manifestation ng pagiging utak kriminal niya at paggamit sa kanyang posisyon at kapangyarihan.

Malamang sa hindi, may kalalagyan itong si Kap Oldak sa papasok na liderato ni Secretary Benhur Abalos sa DILG.

Tiyak na makakasuhan ito ng administratibo at kriminal dahil naidokumento ng mga taga-media ang kanyang iligal na sugalan sa bayan ng Talavera diyan sa Nueva Ecija.

Ang masakit, nadamay ang malinis na pangalan ni Mayora Nerivi dahil na rin sa paggamit nitong nagpapakilalang kapitan na si Kap Oldak sa pangalan ng mabunying alkalde.

Ito rin ang panangga ng malatubang Kapitan sa kapulisan ng Talavera.

Lagi umanong namumutawi sa bibig nitong si Kap Oldak ang closeness umano nito kay Mayora Nerivi.

Name-dropper pa rin pala ang hindot na Kapitan.

Isang kang malaking kasiraan hindi lamang kay Mayora Martinez kundi sa mga taga-Talavera na kilala sa pagiging matino at law-abiding citizens.

Alam ng inyong lingkod na hindi kailan man kukunsintihin ni Mayora Nerivi ang mga ganitong uri na public servants na sa halip magpakita ng tamang ehemplo sa kanyang mga constituents ay promotor pa ng kultura ng iligal na sugal at pagmamalabis sa poder.

Krimen ito at hindi birong offense ng isang elected official.

Tinitiyak ko na may paglalagyan itong si Kap Oldak matapos na tiyakin ng mga inatakeng mediamen na kakasuhan nila ang kupal na barangay kapitan.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com