Advertisers

Advertisers

Yes Yes Yee!

0 408

Advertisers

Ang mga coach ng dalawang NBA finalist ay mga disipulo ni Coach Greg Popovich.

Kapwa kasi mga manlalaro at assistant sina Steve Kerr ng Warriors at Ime Udoka ng Celtics noong araw sa Spurs.

Talagang mahusay na mag-spor ng talent at magturo ng cager at maging mentor.



***

Ire palang si Richard Yee,dating UST Growling Tiger at Purefoods Hotdog ay mga isang dekada naging seafoods supplier ng SM Supermarket pagkaretiro niya sa PBA. Bale 32 anos lang siya nang mawala sa pro legue



Mahirap daw ang negosyong iyon dahil hanggang alas dos ng umaga sila gising sa trabaho. Humina pa ang kita nang magpandemya.

Hayun itinigil na at nagtayo na lamang ng isang Korean resto ang anak ni Jess Migalbin, na ex RoyalTruOrange/San Miguel player.



Nagbukas ang kanyang Sarap Samgyup as Faraday corner Dian nitong ika-8 ng Abril.

Nakapag- dine in na sa Makati bar and grill ang ilang mga kasabayan niya sa USTe tulad nina Chris Cantojos at Gerard Francisco.

Ang dalawang buwang eatery ay kilala sa mga kakaibang side dish bukod sa beef, pork at chicken BBQ.

“Pag-upo pa lang ay hahainan ka na ng iced tea at sisilbihan ng mga courteous at fully-vaccinated na staff,” kwento as atin ng 6’4 power forward.nang maging bisita siya sa programang OKS noong Lunes.

***

Yung dalawa na player na galing UST ay nagkampeon sa UAAP at NCAA.

SI Rhenz Abando na lumipat sa Letran ay malaking tulong sa pag-retain ng Knights ng titulo.

Samantala si CJ Cansino ay isa sa mga bida ng Maroons sa pagkopo ng korona kontra sa defending champion na Ateneo.

Tapos idagdag mo pa si Mark Nonoy na napunta naman sa DLSU, isang Final Four na koponan ngayong season.

Ganyan kalakas sana ang mga dribbler na base sa Espana Blvd.